BENGUET PUMANGALAWA SA MGA NANGUNGUNANG REVENUE GENERATOR SA BANSA

LA TRINIDAD, Benguet – Pumapangalawa ngayon ang lalawigan ng Benguet mula sa sampung lalawigan na kinilala ng Bureau of Local Government Finance (BGLF) na may malaking revenue generation sa usapin ng Local Revenue Generation para sa taon ng pananalapi 2020-2021.

Ang Benguet ay kilala bilang top producer ng highland vegetables at may pinakamaraming mining company sa bansa. Inaanunsyo ng BLGF ang listahan ng National Top Performing Provinces, Cities, and Municipalities in Local
Revenue Generation for the Fiscal Year 2021,noong Martes,Agoste 2, na kumikilala sa kanilang huwarang pagsisikap at performance tungo sa sustainable growth at epektibong lokal na pamamahala sa pananalapi. Batay sa 2021 LSR, nagtala ang Benguet ng 67.9% na pagtaas na may P683.65 milyon kumpara sa P407.15 milyon na LSR noong 2020.

Labis na ikinagalak ni Gov. Melchor Daguines Diclas ang  pagsisikap at pakikipagkaibigan ng mga tauhan sa Provincial Treasury Office at lahat ng mga tanggapang may kinalaman sa pangongolekta ng mga bayarin at singil na nagsasabing bunga ito ng pagkakaisa. Sinabi ni Gobernador Diclas na ang LGU ng lalawigan ay patuloy na makikipagtulungan sa paglalagay ng higit na pagsisikap upang mapanatili o mapabuti pa ang pagganap nito sa pagbuo ng kita.

Ang lalawigan ay nagraranggo din sa ika-7 sa buong bansa sa ilalim ng parehong kategorya para sa taon ng pananalapi noong 2019-2020.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon