BENGUET TRIBES PATULOY ANG TRADISYON SA PAGLILIBING SA SARILING BAKURAN

LA TRINIDAD, Benguet – Sa unang araw ng Nobyembre ay naging kaugalian na ng maraming Filipino ang nagtutungo sa sementeryo para gunitain ang All Saints at All Souls Day, kasama ang panalangin at bonding na din sa puntod ng yumaong mahal sa buhay.
Sa lalawigan ng Benguet, na kinabibilangan ng Ibaloi, Kankanaey at Kalanguya tribe ay may pagdiriwang din na kakaiba, karamihan sa kanila ay inililibing ang yumaong mahal sa buhay sa kanilang bakuran at makapiling kahit na ito ay patay na, isang tradisyon at kaugalian sa lalawigan at sa iba pang probinsya sa rehiyon ng Cordillera.
“Ang tradisyong ito ay minana pa sa kanununuan kaya para sa amin napakahalaga ang kaugaliang ito, na hanggang ngayon ay ginagawa pa,” pahayag ni Rose’Betbet’ Fongwan-Kepes, panganay na anak ni dating Congressman Nestor Fongwan, Sr., na nagsilbing public servant sa Benguet sa loob ng 31 taon.
“Like my Papa, he told us before he died to bury him in our family house, because we have a big backyard. Depende kasi, kung wala namang malaking backyard ang isang namatay ay dadalhin ito sa sementeryo. Minsan naman kahit may malaking backyard, pero gusto sa cemetery, depende kasi sa hiling ng yumao kung saan niya gustong mailibing.”
Ang Fongwan family ay maituturing na isa sa malaking clan sa La Trinidad. Si Fongwan Sr., ay unang pumasok sa pulitika bilang Konsehal noong 1988 hanggang 1992, naging Bise-Alkalde noong 1992 hanggang 1995; tatlong terimno sa pagka-Mayor noong 1998 hanggang 2007; tatlong termino bilang Gobernador noong 2007 hanggang 2016.
Unang natalo siya sa Congressional race noong 2016, pero sa muli nitong pagtakbo s Congressman ay natamo nito ang landslide victory noong 2019. Namatay ang tinaguriang political kingkpin ng Benguet noong Disyembre 18,2019, dahil sa sakit.
Ayon kay Betbet, ang Ibaloi at maging ibang tribu sa rehiyon, ay inaaalay ang sarili sa yumaong kapamilya, lalo na kapag ang isang namatay ay kilalang lider ng tribu sa komunidad.
“Kapag namatay ay isang elder, asahan na ang strict observance of the culture. May mga rituals na gaya ng canao habang nakaburol, pagkatay ng baboy araw-araw. Ang coffin ay gawa sa carved pine tree trunk na hindi ginagamitan ng pako at walang salamin. Bawal din ang anumang metal o’ alahas na makakapekto sa namatay. At sa huling gabi ng lamay ay isang kabayo ang kinakatay bago ito ilibing, na kasabihang sasakyan nito patungo sa kanyang destinasyon,” kuwento ni Betbet.
Aniya, noong unang panahon na wala pang public cemetery ay naging tradisyon na mailibing ang isang mahal sa buhay sa mismong bakuran,hanggang naging kaugalian na ito sa kasalukuyan.
“Ako naman na lumaki sa Catholic school na maraming natutunan sa kasalukuyan ay parang hindi na nasusunod ang tradisyong ito, lalo na sa mga urban areas.” Aniya sa panahon ngayon, hindi naman natin inaalis, ay dapat maging practical na, dahil sa napakalaking gastos kung susundin ang ganitong tradisyon, lalo na sa walang backyard at kapos sa buhay.
“Hindi naman masama kung hindi masunod ang tradisyong ito, lalo na sa mga kabataang lumaki na sa urban areas, dahil alam nila ang hirap ng buhay. Minsan nga, yong iba inuuwi sa kanilang lugar sa kahilingan ng kamag-anakan,para mailibing sa kanilag bakuran, pero gumagastos din doon sa ritual.”
Ayon kay Betbet, ang kagandahan lang ay kasama sa bakuran ang isang yumaong mahal sa buhay, na parang balewala lang dahil pakiramdam mo ay kapiling mo siya sa loob ng bahay.
Aniya, mas mainam na ipreserve na lang yong kaya at ipreserve ang hindi kaya, kasi kung katay ka ng katay ng hayop ay talagang malaking gastos. May mga iba umano na iniiwasan na ang ganitog gawain, dahil nasa modernong kaisipan na.
“Bilang isang Ibaloi-Kankana-ey, I will continue to do the practice, dahil nakasanayan ko na noong bata pa ako at naipasa na sa akin ng mga magulang, kay will pass it on to my children so that they will not forget the tribe’s practice.”
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon