Isang 24 anyos na lalaki at kasama nitong menor de edad ang hinuli ng mga miyembro ng Baguio Residents Against Crime and Corruption (BaRACC) dahil sa paninigarilyo sa Melvin Jones Grandstand, ika-4 ng hapon ng Abril 10, 2018.
Ang dalawang lalaki ay dinala sa tanggapan ng BaRACC sa basement ng Melvin Jones Grandstand upang maitala ang ginawa ng mga ito na paglabag sa Anti-smoking Ordinance ng lungsod.
Ngunit habang nasa tanggapan ay bigla na lamang tumakbo at nagtangkang tumakas ang binata na kalaunan ay nakilala bilang Gaius Wendel Oros Polec-eo alyas Kulot, walang trabaho at residente ng Lower Magsaysay Avenue, Baguio City.
Agad itong hinabol ng isa sa mga miyembro ng BaRACC hanggang sa makorner ito malapit sa isang fastfood chain sa Harrison Road kung saan nagpapatrolya ang ilang mga pulis.
Dinala ang suspek pabalik sa opisina ng BaRACC katulong ang mga pulis. Dito ay kinapkapan ng isang pulis ang suspek at nakita ang isang transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong tangkay ng marijuana, isang glass pipe, sigarilyo at isang lighter.
Matapos ang dokumentasyon ay dinala ang suspek sa Station 7 ng Baguio City Police Office habang ang menor de edad na kasama nito ay dinala naman sa Women and Children Protection Desk.
April 14, 2018
June 14, 2025
June 8, 2025
May 31, 2025
May 31, 2025