Patay ang isang 17 anyos na lalaki bandang 11:50pm ng Oktubre 22, 2018 sa Sitio Clonedyks, Camp 1, Tuba, Benguet.
Nakatanggap ng ulat ang Tuba MPS bandang 12:58am ng Oktubre 23 kaya agad na nagtungo sa Baguio General Hospital at nakarating bandang 1:18am ng parehong araw.
Sa imbestigasyon, sakay ng Honda XRM motorcycle na walang plaka ang mga biktimang sina Denver Menzi Isiro, 16 anyos, driver ng motorsiklo; at angkas na si John Henry Menzi, 17 anyos; kapwa residente ng Lower Tabaan Sur, Tuba, Benguet.
Pauwi na ang mga biktima sakay ng motorsiklo nang biglang lumihis pakanan ang motorsiko kaya tumilapon ang biktima.
Itinakbo ni Robert Menzi, ama ng biktimang si John, ang mga biktima sa nasabing ospital subalit idineklarang dead on arrival si John ng kaniyang attending physician na si Dr. Rando Mayaco, habang si Denver ay inoobserbahan pa.
October 27, 2018
October 27, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025