BOARD MEMBER CANDIDATE, PATAY SA PAMAMARIL

PARACELIS, Mt. Province – Kasong murder at paglabag sa Comelec gun ban at violation for Republic Act 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang ipapataw sa isang 80 taong gulang na lalaki,matapos barilin at mapatay nito ang isang kandidato sa pagka-Board Member ng lalawigan.
Sinabi ni Capt. Marnie Abellanida, deputy chief Regional Information Officer ng Police Regional Office- Cordillera, dahil sa mabilis na pag-responde ng Paracelis Municipal Police Station sa naganap na sa may Dagawe, Poblacion, Paracelis, ay nadakip ang suspek noong Marso 6.
Kinilala ang suspek na si Efren Tariago, 80,widower, ng Barangay Bacarri, Paracelis, Mt. Province, samantalang ang biktima ay si Carino Tamang, 56, ng Poblacion, Paracelis, Mt. Province.
Si Tamang ay nagsilbing Board Member ng lalawigan noong 2007 to 2013 at 2016-2019 at muling kandidato bilang board member para sa May 2022 elections.
Lumitaw sa imbestigasyon na ang biktima at suspek ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo kaugnay sa usapin sa lupa na naganap sa harapan ng tindahan.
Binunot umano ng suspek ang baril nitong cal.9mm at binaril ang suspek sa kaliwang bahagi ng ulo nito at dalawang putok pa ng baril na tumama sa dibdib ng biktima.
Isinugod ang biktima sa Paracelis District Hospital subalit idineklara itong dead on arrival, samantalang ang suspek na agad din tumakas sa lugar ay natunton ng pulisya at nabawi ang ginamit na baril.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon