LA TRINIDAD, BENGUET – Magkakaroon na ng BPATS Olympics ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Benguet sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Benguet Police Provincial Office Director Sr.Supt. Lyndon A. Mencio sa kapihan sa Benguet na ginanap noong Agosto 15, 2018 sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.
Kalakip ng programang ito ang patuturo sa mga barangay tanod patungkol sa magkakaibang responder’s course kung saan sasailalim ang mga ito sa pagsasanay sa pagbibigay ng first aid at pagresponde sa emergency situations.
Layunin nito na bigyan ng sapat na kapasidad ang mga barangay tanod bilang first line responders upang maagapan ang mga maaaring mangyaring sakuna sa kanilang lugar o nasasakupan.
Ito ay bilang pagsuporta sa patuloy na pag-aksyon ng kapulisan ng Benguet para sa ligtas na komunidad lalo na sa mga sakuna na dulot ng masamang panahon. DOROTHY M. REGINO, UC INTERN / ABN
August 20, 2018
August 20, 2018
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025