Tuliro nang matagpuan sa terminal ng bus ang isang British National matapos na diumano ay pagnakawan ito ng kasamang tatlong Pilipinong turista.
Sa natanggap na tawag ang Banaue police bandang tanghali ng Marso 24 mula sa isang concerned citizen ay iniulat ang banyagang natutulog sa Ohayami Bus Terminal, Tam-an, Banaue, Ifugao. Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Banaue MPS at nakilala ang banyagag si Damian Brian Gabriel Hughes, 36, single, isang engineer.
Sa imbestigason, bandang 12nn hanggang 1pm ng Marso 23, nakilala ng biktima ang isang lalaki at dalawang babae sa Makati City, Manila na nagsasabing patungo sila ng Banaue, Ifugao para mamasyal at dahil papunta sa parehong lugar ang biktima ay sumabay siya sa tatlo. Sinamahan ng mga suspek ang biktima upang bumili ng ticket sa Manila Bus Terminal at bumalik sa Makati City upang kumain ng tanghalian sa isang restaurant.
Bandang 9pm ng parehong araw, nagising ang biktimang nahihilo sa loob ng isang taxi at napag-alamang nawawala ang kaniyang Apple 5SE phone na tinatayang nasa P29,000 ang halaga at pera na P9,000. Nakiusap ang biktima sa driver ng taxi na hanapin ang nawawalang gamit subalit inilabas lamang ng driver ang kaniyang bagahe mula sa taxi at iniiwan na ang biktima.
Nagtungo ang biktima sa bus station upang humingi ng tulong sa pulis na naka-duty sa nasabing bus station. Ayon pa sa biktima, nagsulat ang dalawang pulis sa kanilang notebook at ipinayo na tumungo sa police station upang iulat ang nasabing insidente. Nagpakita naman ng CCTV footage ang mga pulis sa biktima at nakilala nito ang isa sa mga babaeng kasama niya sa restaurant. Matapos nito, pinayuhan ng mga tauhan ng Manila police ang biktima na ipagpatuloy niya ang pamamasyal kung kaya’t sumakay ito ng bus patungong Banaue, Ifugao.
Tinulungan ng mga tauhan ng Banaue MPS ang biktima na taranta pa rin at nahihilo na makahanap ng pansamantalang tutuluyan upang makapagpahinga at magpalakas.
March 31, 2018
March 31, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025