Si Brother Ali at mga Baguio mediamen

Community Billboard

Nakibahagi ang ilang Baguio media sa ginanap na Eid’l Adha ng mga kapatirang Muslim sa lungsod ng Baguio noong Setyembre 1, 2017 at bilang pasasalamat ay nagdaos ng selebrasyon ang Muslim community sa pangunguna ni Brother Ali, may-ari ng Ali Shawarma na matatagpuan sa Bonifacio Street, Baguio City. Sa larawan makikita sina Amianan Balita Ngayon Publisher Thom Picana, na nagpapasalamat kay Brother Ali sa pag-anyaya sa kanilang selebrasyon; kasama rin sina (mula kaliwa) Edwin Quitasol ng Nordis, Andy Zapata ng Philippine Star, Councilor Benny Bomogao, Dionisio Dennis ng RPNDZBS, at Leony Bayuga ng Amianan Balita Ngayon.

JJ LANDINGIN