“CAGAYAN GOVERNOR MAMBA, NAMILI DAW NG BOTO?”

Taas noo pa ring naninindigan si Governor Manuel Mamba ng Cagayan na hinding-hindi siya namili ng kahit isang boto upang manalo noong Mayo sa kabila ng ibinabang order ng Comelec
second division na nagdidiskwalipika dito dahil sa paglabag umano sa 45-day public spending ban noong kampanya. Hindi makatarungan ang desisyon ng Comelec para sa mga botanteng Cagayano, ani Mamba, dahil na-exempt naman daw sa “public spending ban” ang pamimigay ng ayuda ng Cagayan provincial government noong panahon ng kampanya.

Laking panghihinayan ng katunggaling si Ma. Zarah Rose de Guzman Lara sa pagkatalo nito ng 23,463 lamang. Mas lalong panghihinayang nito nang hindi na mapatunayang sa Comelec ang bintang ng “massive vote buying”. Ang pakunswelo ng Comelec, dinidiskwalipika si Mamba dahil sa paggamit ng pondo ng lalawigan para sa mga ayuda na walang malinaw na exemption sa spending ban gaya ng P550 milyong pondo ng Cagayan mula sa programang “Krusada Kontra Korapsyon” matapos makatanggap ng tig-1K ang mga rehistradong botante bilang cash assistance.

Ginamit din umano ni Mamba ang pondo ng “No Barangay Left Behind” (NBLB), “No Town Left
Behind” (NTLB), and “Oplan Tulong sa Barangay” kahit nag-issue ng TRO ang Tuguegarao City Regional Trial Court. Samakatwid, sino ang masaya pa rin ang pasko sa dalawa? Tiyak masaya pa rin ang pasko ni Gov. Mamba dahil maari naman niyang iapela ang kanyang diskwalipikasyon
hanggang Korte Suprema. Tiyak din na aabutin pa ng susunod na pasko o sa susunod pang halalan bago pinal na madesisyunan ang kaso.

Maliwanag din naman ang pasko ni Lara dahil kahit hindi napa-diskwalipika ang kalaban, naitanim niya sa isipan ng mga bomoto sa kanyang 278,562 (47.98%) na may aasahan sa Comelec, na tagumpay kahit huli na ang lahat at nakaupo na ang kanyang kinalaban. Ngunit ang karimarimarim
ay ang katotohanan na nahahati-hati ang lipunan tuwing halalan. Ang mga pamilyang nagkakairingan, nagkakasagutan, nagbabangayn tuwing eleksyon. Mga nasasayang na buhay dahil sa sakitan na nauuwi sa patayan ng mga tagasunod at tagasuporta ng magkatunggaling pulitiko. Sa
bandang huli, kawawa ang karaniwang mamamayan.

Amianan Balita Ngayon