CAROLERS EXEMPTED SA PAGKUHA NG SOLICITATION PERMIT

BAGUIO CITY—Isa sa mga inaantabayanan ng mga kabataan o maging ng mga adult ay ang masayang pangangaroling sa mga bahay-bahay na kung saan ay naging tradisyon nang mga Pilipino ang pangangaroling at ito rin ang hihintay nga mga may-ari ng bahay ang makapagbigay ng pamasko sa mga
nangangaroling. Kadalasan nagsisimula ang pangangaroling ng mga kabataan pagsapit ng unang lingo ng Disyembre hanggang Disyembre 24 .

At dahil dito ay nagpahayag ang tanggapan ng City Social Welfare and Development Officer under OCSWD na “excempted” ang mga carolers sa pagkuha ng solicitation permit mula sa Cityhall. Ayon kay Liza Bulayungan, Officer –in-Charge ng OCSWDO , “Under Dept. of Social Welfare and Development
Memorandum Circular No. 05 series of 2021, caroling is one exemption for solicitation permit,”

Subalit nagbabala si Bulayungan sa mga carolers na dapat obserbahan pa rin ang “physical distancing “ dahil nariyan pa rin aniya ang banta ng Covid-19 . Sinabi rin niya na lingid sa kaalaman ng mga residente ng Baguio ay mayroon pa ring paunti-unting kaso ng Corona virus na Idinagdag pa ni Bulayungan na “House-tohouse and main thoroughfare caroling is still discouraged and minors who engage in caroling
must be under the supervision of parents to ensure health protocols are properly observed,”.

Aileen P. Refuerzo

Amianan Balita Ngayon