BAGUIO CITY
Nagbigay ng babala ang tanggapan ng City Buildings and Architectture Office sa mga ongoing na
construction ng ilang gusali sa lunsod na sumunud sa mga alituntunin ng syudad sa pagtatayo ng mga building na tupdin ang mga requirement sa pgatatayo ng mga gusali o bahay. Isa sa mga nabigyan ng “stop to construct” ay ang livelihood shed sa may Lualhati barangay na ayon sa
imbestigasyon ng CBAO ito ay itinatayo sa mismong garden ng barangay na hindi nagsumite ng
mga requirement upang magkaroon ng building permit.
Napag-alaman na nakita diumano ng CBAO ang pagtatayo ng single story para sa livelihood shed ng barangay noong Hulyo 14, 2023. Pinayuhan umano ng CBAO na itigil muna ang construction at mag-apply ng building permit sa city hall . Ayon sa CBAO isang private citizen umano ang nagreport sa kanila hingil sa construction ng nasabing single story na gusali na kung saan ay nangangamba umano sila na maaring masira ang community garden ng barangay..
Nanawagan ang CBAO sa publiko na tupdin ang requirement sa pagkuha ng building permit sa city hall bago magsagawa ng construction upang hindi na sila maabala at maging tuluy tuloy ang kanilang pagtatayo ng kanilang gusali. Isa pang nakita ng CBAO ay ang pagsasagawa ng karagdagang second floor sa may Carino St. na kung saan ay binigyan na nila ito ng notice na itigil muna ang construction ay mag-aaply ng building permit.
Pinahinto rin ang construction sa Ciudad Grande, Phase 2 in Bakakeng Norte barangay na napag-alaman na wala itong building permit at inukupa nito ang road right of way ng side walk. At sinabihan ang may –ari kusang tanggalin at ayusin ang portion ng sidewalk na inukupa sa loob ng
15 na araw . Samantala sinabi rin ng CBAO na “In Suello Village, Sto. Tomas Proper, another ongoing construction located on a titled property inspected last July 7, 2023 was found to have no
business permit prompting the CBAO to issue an NOV with order to cease and desist from further construction activities”.Ang may-ari diumano ng building ay nagbigay ng kanyang sariling ulat sa Station 10 ng Baguio City Police Office na mayroon siyang pending aplikasyon ng permit sa CBAO.
PIO/Aileen P. Refuerzo
July 21, 2023
September 30, 2023
September 30, 2023
September 30, 2023
September 30, 2023
September 30, 2023
September 30, 2023