Maalab na Pagbati! Benguet, Bontoc, Ifugao, Kalinga, Abra, Apayao! Agkaykaysa a mangipukkaw! Kaigorotan
lumaban!
Napakagandang mensahe para sa pagkakaisa. Sa araw na ito ang buong mamamayan ng kordilyera ay idadaos ang makasaysayang pagdiriwang kung saan pormal na naideklara ang pagkabuo ng Cordillera Administrative Region bilang paghahanda sa pagtatag ng isang autonomous region. Ito ang araw ng pagtakda ng lahat ng probinsya sa
ilalim ng pagkakaisa . Kasalungat nito ang idinadaos ng makakaliwang grupo na april 24 na ito daw ang tunay
na selebrasyon ng Cordillera Day.
matatandaan na itong araw rin ng pagkakatatag ng National Democratic Front o NDF at pagkamatay ni Maclin-Dulag. Ano nga ba tunay na petsa ng pagdiriwang ng Cordillera Day? at ano ang layunin nito? Kung susumahin, wala
sanang malaking debate sa tunay na araw ng pag-daraos ng okasyong ito sa kadahilanang kahit bali-baliktarin mo
ang kordilyera, may mamamayan ito na siyang nagtakda at gumuhit sa kasaysayan para magkaroon ng kinabukasan ang rehiyong ito.
Gusto lang naming ipabatid na ang araw na ito , hulyo 15, ang lehitimong Cordillera Day, isang pagpapa alala sa pangarap ng mga taga kordilyera na mapaunlad ang bawat probinsya lalo na sa agrikultura, ekonomiya at kampanya para sa kapayapaan laban sa terorismo, droga at kampanya laban sa tribal war. Ang pagkakabuo ng rehiyon ng kordilyera ay nangagangahulugan na pagkaisahin ang bawat mamamayan nito hindi para labanan at akusahan ang gobyernong nagtatag nito.
Sa kabilang banda, masakit isipin ang katotohanang ginagamit ang Cordillera Day para sa malawakang recruitment ng CPP-NPA sa rehiyon at pagiging tulay nito para makapasok ang iba’t -ibang kasapi nila sa labas ng rehiyon para pumasok sa kilusan. Kaya naman ang aming panawagan..ayon sa unang talata ng pahayag na ito, lahat ng probinsya sa kordilyera magkaisa!isulong ang pag unlad ng kabuhayan ng nailyan a minorya!! Kaigorotan!labanan ti
insurhensya!
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024