LUNGSOD NG BAGUIO – Naglabas ang City Environment and Parks Management Office (CEPMO) ng mga panuntunan sa paggamit ng bagong muling pagnubukas ng Children’s Playground sa Burnham Park.
150 lamang na mga bata edad 3-12 taong gulang ang papayagan bawat pagkakataon sa loob ng pasilidad na magbubukas araw-araw mula 8 ng umaga hanggang 6 ng hapon.
Kailangang samahan ng mga magulang o tagapag-alaga ang mga bata na dapat siguruhin na sila at kanilang mga anak o inaalagaan ay sumusunod sa minimum safety protocols sa lahat ng oras gaya ng pagsusuit ng facemasks at regular na disinfection.
Isinara ang palaruan noong 2019 upang bigyan-daan ang rehabilitasyon nito bilang bahagi ng isinasagawang rejuvenation program ng pamahalaang lungsod subalit ang pagsasara ay pinalawig pa dahil sa pandemya. Muling binuksan ito nitong mArso 27 matapos ang finishing touches nito.
Napuno ng mga bata ang pasilidad sa pagbubukas nito at masayang naglalaro sa mga pasilidad ng mga palaro na lima dito ay bago habang ang iba ay luma pero pinaganda at inayos para sa kaligtasan ng mga gagamit.
Pinangunahan ni City Environment and Parks Management Officer Rhenan Diwas ang seremonya sa pagbubukas na ikinatawan si Mayor Benjamin Magalong kasama si Councilor Betty Lourdes Tabanda.
Mismong mga bata ang nanguna sa pagputol sa ribbon upang opisyal ng buksan ang palaruan. Pinangunahan ni Baguio City Library under City Librarian Easter Pablo ang book reading at storytelling sessions para sa mga bata. Dalawang lugar ang itinalaga bilang book at educational attractions ng palaruan.
Ang iba pang alituntunin ay:
*No shoving, pushing, or rough playing. Be courteous. *Wear proper footwear. Bare feet are not allowed. *Use the play facilities or equipment properly. *Picnic on the lawn and setting up of tents is not allowed inside the playground. *The play facilities are designed for children ages 3 to 12 years of age. Always observe and strictly follow the age requirements to avoid damages or accidents. *Protect our play facilities, landscapes, plants, and flowers while inside the playground.
Report immediately any damages to the CEPMO personnel or security personnel assigned in the area.
*NO PETS allowed inside. *Smoking, littering, and drinking intoxicating beverages are strictly prohibited. *No bringing in of glass containers/wares inside the playground. *Clean as you go. Let us keep our playground clean. *Loud music is strictly prohibited. *Unauthorized selling/vending is strictly prohibited. *Do not use the play facilities when wet. Your safety is our concern. *Biking or cycling inside the playground is prohibited.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
April 4, 2022
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025