CHARACTER ASSASSINATION KINONDENA NI MAGALONG

BAGUIO CITY

Mariing itinanggi ni Mayor Benjamin Magalong na nanutok siya ng baril sa isang negosyante, sa halip ay kinondena nito ang ginagawang character assasination sa kanya ngayong panahon ng eleksyon. “Never ako nanutok ng baril, alam yon ni Fred Go”, ito sinabi ni Magalong ukol sa bali-balita na nanutok siya ng baril sa isang negosyante, kaugnay sa kumakalat na balita nagmamay-ari siya ng malalaking negosyo sa lungsod.

Napag-alaman na kinompronta umano ni Magalong si Fred Go,kasalukuyang may-ari ng Good Taste, na kung bakit hindi nito sabihin ang totoo na wala siyang kaugnayan o hindi siya (Magalong) ang may-ari ng Good Taste Restaurant. “Sabi ko I never transacted business with your family, all you have to tell the truth. Sabi niya ayaw daw niya akong ma-involve sa politic. Sabi ko naman it is nothing to do with politics, it is all about ethics and moral. Ipinapakita ko lang na I’m fighting for you, look I’m under threat, kaya nga andito ang baril ko, tignan mo mga baril ko nasa harapan ko,” pahayag ni Magalong.

Ayon kay Magalong naniniwala siya na pawang character assassination lamang ito at patuloy na paninira sa kanya mula ng maupo siya bilang alkalde ng siyudad. Sinabi pa ni Magalong na nalaman nila na mayroong naghire ng ilang taxi driver, maging ilang senior citizens para araw-araw na ipagkalat sa publiko na pag-aari niya ang Parkway Condo and Medical Center; nagmamay-ari ng 200 unit ng taxi at ang sikat na Good Taste. Ang mga nasabing business establishment ay nagpahayag na sa kani-kanilang social media at tinatangging may koneksyon ang alkalde.

Napag-alaman din na muling nagkausap sina Magalong at Fred Go at kapuwa humingi ng pasensya sa isa’t isa kaugnay sa isyu. Sa ngayon ay nagpalabas na ng Notice to the Public ang management ng Good Taste na nagsasabing hindi pag-aari ni Magalong ang nasabing sikat at pangmasang restaurant. Inamin din ni Magalong na sa ngayon ay nagdadala na siya ng baril, matapos kumpirmahin sa kanya na mayroon siyang death threat. “Nakatanggap kasi ang ng message kay former Secretary Allen Capuyan, dahil humingi ako ng tulong sa kanya kung ano itong threat sa akin. Noong Pebrero 19, nag-message siya sa akin at sabi niya, Sir mag-ingat kayo mukhang positive yong threat syo.”

Aniya, hindi siya takot sa threat, dahil sanay na siya sa anumang pagbabanta sa kanyang buhay.” I was fear the safety of my family, paano kung may ginawa sa akin at masaktan o madamay ang aking pamilya.” Ayon kay Magalong, naniniwala siyang balak siyang patahimikin na di-umanoy kalaban nito kaugnay sa pagsisiwalat nito sa kanyang nalalaman sa korapsyon sa pamahalaan. Ipinahayag din ni Magalong na walang dapat ikabahala ng mga empleyado ng city hall, dahil nakalatag ang mga seguridad sa loob at labas nito.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon