BAGUIO CITY
Patuloy na maghahandog ng libreng supplementary vaccines kontra sa measles, rubella, at polio ang Chikiting Ligtas 2023 sa mga probinsya ng Cordillera Administrative Region. Kaya naman hinihikayat ng Department of Health na dalhin ng mga pamilya ang kanilang mga anak upang mabakunahan sila. Ang programa na sinimulan noong Mayo 1 ay mayroong layunin na bakunahan ang 95 na porsyento ng mga bata sa mga iba’t-ibang probinsya ng Cordillera.
“Hindi po natin matatanggal na ang pagbabakuna talaga ay isa sa mga napaka-importanteng public health intervention,” pahayag ni Dr. Anachris M. Kilakil, Medical Officer III ng DOH Cordillera.
“Kung magagawa po natin ito nang maayos ay wala na tayong magiging problema.” Sa kasalukluyan, nakapagbakuna na ang programa ng mahigit 34,000 mga bata para sa Measles at Rubella, habang mahigit 38,000 naman ang nabakunahan kontra sa Polio.
Nagbigay rin ng Vitamin A Supplementation ang DOH sa halos 900 na bata para suportahan ang kanilang mga immune system kontra sa mga sakit Ang Chikiting Ligtas 2023 ay patuloy na isusulong hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo.
Thea Sherina Cathelin Rillera-UB Intern/ABN
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024