“CHINESE SOFTSHELL TURLE O “AHAS-PAGONG”, DALA’Y MALAKING PINSALA”

Malaking kapinsalaan sa mga mangingisda at magsasaka ang pananalakay ngayon ng Chinese softshell turtle (Pelodiscus sinensis) o “ahas-pagong” sa San Juan, La Union at pati na rin mga karatig-bayan. Tinuturing ng DENR
Biodiversity Management Bureau na invasive alien specie ang “ahaspagong”, na nagmula pa sa mainland China at Mongolia. Sa madaling salita, peste. Mabilis ang pagdami ng “ahaspagong” dahil walang predator o kumakain sa mga ito, ayon sa mga dalubhasa. Kinakain ng Chinese softshell turtle ang mga isdang tabang, kaya’t lalo pang kumukonti ang huli ng mga mangingisda.

Kumpara sa Olive Ridley turtles na nangingitlog sa mga dalampasigan ng La Union na kumakain ng mga jelly fish at
nagpapanatiling balanse ang kapaligiran, dala ng “ahas-pagong” ang delubyo sa flora at fauna. Kung hindi maagang
maagapan, nahaharap sa sakuna sa kapaligiran ang La Union, karatig na mga probinsya at maaring buong bansa, pabatid ni Carlos Tamayo, tagapangasiwa ng environmental conservation group Coastal Underwater Resource
Management Actions o CURMA. ‘Di gaya ng mga lokal na pagong, malambot ang talukab ng Chinese softshell turtle, may mahabang leeg at nguso na kasing haba ng talukab nito.

Ito rin ay nangangagat. Nahahanapan sila sa mga sakahan, ilog, sapa at tubigtabang. Noong una’y inangkat ang mga
“ahas-pagong” bilang pagkain o kung tawagin ay “turtle-soup”, ngunit napakawalan ang ilan at nakapagparami nang husto. Abot na rin sa Pampanga ang papalaking suliranin ng “ahaspagong”, dahil nababalisa na ang mga mangingisda sa pakitid na pakitid nilang huli dahil sa pananalakay ng mga pesteng Chinese softshell turtle. Kapag mala-pagong ang galaw ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) at Dept. of Agriculture (DA) sa pagsawata ng pesteng Chinese softshell turle, darating ang araw na wala nang isdang-tabang sa mga batis, ilog o sapa sa bansa, at ubos na ring lahat dahil lahat sa flora at fauna ay nakain na nila.

Amianan Balita Ngayon