LUNGSOD NG BAGUIO – Siniguro ni City Planning and Development Coordinator Donna Tabangin na lahat ng development plans na binaba;angkas ng pamahalaang lungsod ay estratehiko at maisasakatuparan sa mga susunod na taon kahit pa sino ang maupo sa gobyerno ng lungsod.
“All the plans that we crafted and are crafting should go beyond political terms. We made sure of that because after all, they are intended for the entire city and not just for one person,” ani Tabangin bilang tugon sa mga tanong sa pagpapatuloy ng mga plano kung sakaling may pagbabago sa adiministrasyon ng lungsod.
Sinabi ni Tabangin na may mahalagang papel ang mga residente na masiguro ang pagpapatuloy ng mga planong tio upang makamit ang kanilang pangunahing layunin.
“Let us be stewards to see to it that all our plans are implemented properly and continue to ensure progression and utmost outcome,” aniya.
Kasalukuyang ina-update ng City Planning and Development Office (CPDO) ang Comprehensive Land Use Plan na bumabalangkas sa pisikal at ekonomiyang pag-unlad ng lungsod para sa susunod na sampung taon at ang Comprehensive Development Plan na nagsisilbing implementing instrument ng CLUP.
Ginawa rin nito ang master plans para sa development ng mga kritikal na lugar at investment hubs kabilang ang mga parke, satellite markets, housing projects, heritage sites at iba pa.
Kasama rin ditto ang paglikha ng development plans at mga rpograma ng iba’t-ibang departamento ng pamahalaang lungsod kasama ang Green Walk project upang gawin ang Session Road na isang kumpletong kalye na nagsusulong ng ligtas na paggalaw at pasyalan sa paglilibang at ang Blue Walk project, isang three-pronged environmental program na ipinlano para sa pangalagaan ang kritikal na Busol watershed, pagdagdag sa water supply sa pagdugtong ng katubigang ibabaw at pagpapanumbalik sa mga river tributaries ng forest reserve.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
February 26, 2022
February 26, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025