CITY PROSECUTOR’S OFFICE NAKAPAGPILA NG 839 CRIMINAL SA ANIM NA BUWAN

LUNGSOD NG BAGUIO – May kabuuang 839 mga criminal na kaso ang naipila sa korte ng City Prosecutor ’s Office para sa unang kalahati ng taong ito (Enero hanggang Hunyo) matapos ang pagsasagawa ng preliminary investigations. Sa seremonya ng flagraising sa City Hall noong Agosto 8, sinabi ni prosecutor Bernard Allan Angeles na 265 inquest cases ang naipila rin sa parehong peryodo na walang nakabinbin na reklamo para sa resolusyon sa pagtatapos ng Hunyo ngayong taon. “So it means na wala pong natetenggang kaso sa opisina. Naaaksyunan po lahat ng kaso, que mayaman, mahirap, taga Baguio o taga ibang lugar ang nagpila, aaksyunan namin yan,”pagdiriin niya.

Sinabi ni Angeles na ang naipilang mga kaso ay kabilang ang 11 murder at homicide cases; 13 robbery; 48 rape; 32
VAWC (Violence Against Women and Children); at 22 mga kaso tungkol sa child protection laws. Sa parehong anim-nabuwang peryodo, sinabi niya, 188 inquest cases ay nairefer sa City Prosecutor’s Office at ang 100 sa mga kasong ito ay may kinalaman sa mga iligal na droga.

Inihayag ni Angeles na karamihan sa mga sangkot sa iligal na droga ay nasa kulungan na ngayon. Para sa kaniyang bahagi, pinuri ni Mayor Benjamin Magalong ang City Prosecutor ’s Office sa pangunguna ni chief prosecutor Conrado Catral para sa isang ‘job well done’.

(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon