COA exec, sinuspinde dahil walang SALN

Apr 8, 2017

LA TRINIDAD, BENGUET – Dahil sa pagkabigong magpila ng kanyang Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) ay isang auditor ng gobyerno sa Cordillera ang humarap sa administratibong kaso at nasuspinde ng tatlong buwan.
Sa anim na pahinang desisyon ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Christine Carol A. Casela-Doctor at inaprubahan ni Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera, ay nakitang nilabag ni Edna T. Tomelden, Director II ng Commission on Audit-Cordillera, ang mga probisyon ng batas.
Sinuspinde ito ng tatlong buwan nang walang aasahang sahod dahil sa paglabag sa Section 8 ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees) partikular ang submission ng SALN.
Sinabi ng Ombudsman na kung nagkataon na wala na sa serbisyo si Tomelden at hindi maipapatupad ang suspension ay pagmumultahin ito.
Kinasuhan ni Salvador Liked ng Mt. Province si Tomeldan noong Setyembre 21, 2015, matapos na malaman na nabigo itong magpasa ng kanyang SALN para sa mga taong 2004, 2007 at 2009.
Noong Pebrero 26, 2016, inutusan ng Ombudsman si Tomeldan na magpila ng counter-affidavit at ebidensya na nagsasaad kung bakit hindi ito dapat patawan ng parusa.
Sinabi ni Tomeldan noong Marso 15, 2016 na maingat niyang sinunod ang pagsusumite ng kanyang mga SALN. Aniya ay hindi rin siya nakatanggap ng anumang memorandum ng non-compliance kaugnay ng annual submission ng SALN.
Ngunit, ayon sa desisyon, kinakailangan na bawat empleyado at opisyal ng gobyerno ay magsumite ng kompletong paglalahad ng kanyang assets, liabilities at net worth upang hindi mapaghinalaan sa kwestyonableng pagkuha ng yaman.
Binanggit din sa desisyon na ayon sa officer-in-charge sa records section ng Ombudsman ay walang SALN si Tomeldan para sa taong 2004, 2007 at 2009 na ang ibig sabihin ay hindi ito nagsumite sa mga nabanggit na taon.
Dagdag pa sa desisyon, kung totoong nagsumite si Tomelden ng SALNs sa kanyang opisina ay dapat nakapaglabas na ito ng patunay. Ace Alegre / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest