BAGUIO CITY
Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec)-Baguio sa mga kandidato sa nalalapit na halalan na itutok ang kanilang kampanya sa kanilang plataporma at iwasan ang tapunan ng putik. “Hinihimok namin ang ating mga politiko na magkaroon ng kampanya na nagsusulong sa kanila at kung anong benepisyo ang makukuha ng mga botante sa pagpili sa kanila sa halip na siraan ang ibang mga kandidato ma-iangat lamang ang pangalan,” ani Atty. John Paul Martin, Comelec-Baguio officer sa isang panayam noong Huwebes.
Sinabi niya na maraming mga botante ang ayaw making sa batuhan ng putik kundi sa halip, kung ano ang magagawa ng mga kandidato at maaaring ialok sa publiko sakaling mahalal sa opisina. “Mas gusto na ng mga voters na marinig ang magagandang plano at hindi paninira sa kapwa kandidato,” dagdag niya. Sinabi ni Martin na pagkatapos ng eleksiyon, ang mga politiko, manalo man o matalo, lahat ay mula sa maliit na komunidad ng Baguio at masasalubong ang bawat isa, kaya mas mabuti na magkampanya na hindi sinisira ang reputasyon ng kanilang mga katunggali.
“Hindi natin alam, maaaring magkakamag-anak pa sila sa dugo o pagkakaugnay at sa pagsira sa kanilang kapuwa mga kandidato,
maaaring maging dahilan pa sila ng pagkakawatak-watak ng mga miyembro ng pamilya, na hindi ito ang hangarin ng halalan,” aniya.
Sinabi ni Martin na marami, kung hindi man karamihan ng mga botante, ang naging nag-iisip at matalinong mga botante na para sa pag-unlad.
(LA-PNA CAR/PMCJr.-ABN)
March 22, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025