COMELEC ITINUTULAK ANG VOTER EDUCATION SA 4P’S

LAOAG CITY, Pangasinan

Nakipagtulungan ang Commission on Elections (COMELEC) sa Department of Social Welfare and
Development para maisagawa ang voter education sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD. Sa isang consultative meeting sa Laoag City kasama ang Comelec regional directors sa bung bansa, inulit ni Comelec chair George Erwin Garcia sa isang press conference noong Huwebes ang pangangailangan na bigyan edukasyon ang mas maraming botante, lalo na ang 4Ps na prayoridad na tatanggap ng integrated and enhanced voter education programs.

“There are over one million 4Ps who are voting this year and they need to be oriented about the process of voter registration as well as the essence of democracy through responsible, educated, and
accountable voting,” aniya. Bilang mga tumatanggap ng national poverty reduction strategy ng gobyerno, ang mga 4Ps ay regular na tumatanggap ng tulong pinansiyal matapos silang makasunod sa mga kondisyon na hinihingi ng ahensiya.

Upang masiguro na hindi sila pagsasamantalahan tuwing panahon ng halalan ay nagsasagawa ang Comelec ng voter education seminars na itinatampok ang kahalagahan ng pagiging isang botante, ang hakbang-hakbang na proseso ng pagrehistro ng botante, mga kuwalipikasyon at mga
tungkulin ng mga halal na opisyal sa barangay at Sangguniang Kabataan, at ang laban kontra sa maling impormasyon, at iba pa.

Samantala, sinabi ni Garcia na ang mga poll worker na magsisilbi bilang Electoral Boards (EBs) sa panahon ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Oktubre ay tatanggap
ng mas mataas na honorarium na mula PhP8,000 hanggang PhP10,000 kumpara sa nakaraang BSKE’s na PhP6,000, PhP5,000, at PhP4,000. “The higher honorarium is meant to compensate their efforts as early voting is being considered,” dagdag niya.

Ipinapakita sa mga record ng Comelec na mahigit 605,000 mga guro ang magsisilbi sa BSKE 2023 elections kahit pa ang mga EBs at kanilang training ay mag-uumpisa sa Agosto. Ang EB ay binubuo ng isang chairperson, dalawang miyembro, isang Department of Education supervisor at support staff.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon