COMMUNITY ARTSCAPE, ILULUNSAD SA MGA BARANGAY NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Sa layuning mapanatili at ipagdiwang ang makukulay na kwento, tradisyon, at kultura ng bawat barangay, isinusulong ngayon ang panukalang ordinansa para sa Community Artscape, o mas kilala bilang “Dugad Mi.” Sa ilalim ng programang ito, magkakaroon ng mga art activities taon-taon gaya ng mga stage play, paggawa ng handicrafts, at exhibits ng litrato at kwento ng mga residente. Kukunin din ang mga kwento mula sa mga nakatatanda bilang inspirasyon sa mga likhang-sining. May cultural mapping din para marecord ang mga heritage ng bawat barangay.

Ang City Planning Development and Sustainability Office (CPDSO) ang magiging lead office ng programa. Katuwang nila rito ang Tourism and Special Events Division, mga barangay, IP groups, IPMRs, NCIP, local artists, at iba pang stakeholders. May nakalaang 200,000 budget kada taon para sa bawat barangay na sasali. Pwede pa itong madagdagan depende sa dami o laki ng activities. Bukas rin ang proyekto sa partnerships mula sa private sector at community donors. Naaprubahan na ito sa second reading at ipapadaan pa sa public consultation bago ang final approval.

Nickhole Gutierrez/UC-Intern

Amianan Balita Ngayon