CPA suportado ang pagsuspinde ng mga minahan sa Benguet

Mar 11, 2017

Maigting ang naging suporta ng Cordillera Peoples Alliance sa desisyon ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez ukol sa pagsasarado ng 23 malalaking minahan dahil sa masamang dulot ng maling pagmimina.
Sa isinagawang press conference ng CPA kamakailan ay inihayag din ang pagnanais nilang ibasura ang Philippine Mining Act of 1995 na nagpalala sa panghihimasok ng mga foreign mining companies sa bansa.
Pinangunahan ni CPA deputy secretary general Santos Mero ang pagtalakay sa naturang batas. Aniya, ito ay nagsasaad ng maling patakaran na nagdudulot ng unti-unting pagkasira ng mga lupain at kayaman ng Pilipinas dahil sa mga malalaking kompanya ng minahan.
Kasama rin sa pagpupulong si Franklin Almoza, indigenous peoples mandatory representative ng Itogon, na tinalakay ang traditional mining na mabisang alternatibong paraan ng pagmimina. Si Jose Sapino, representative ng Pacda Neighborhood Organization sa Mankayan, Benguet, ang tumalakay sa epekto ng mga malalaking minahan sa kanilang pamumuhay at kabuhayaan.
Tinalakay naman ni Kilusang Mayo Uno-Cordillera Representative Vicente Dilem ang kalagayan ng mga kontraktuwal na manggagawa at mga paglabag ng ilan sa mga kompanya ng minahan.
Ayon sa datos ng DENR mula sa 41operating metallic mines sa bansa, 11 lamang ang nakasunod sa environmental standard. Nagbigay naman ng pagkakataon ang nasabing ahensya sa mga mining companies na ipaliwanag kung bakit hindi dapat masuspindi ang kanilang mga operasyon.
Samantala, 10 kompanya ang ipinasara habang 20 minahan naman ang nahaharap sa suspension na kinabibilangan ng Lepanto Consolidated Mining Co.; Benguet Corporation; at OceanaGold Phils. Inc. na maay mga operasyon sa Luzon.
Inirereklamo ng komunidad ng Itogon ang Lepanto Consolidated Mining Co. dahil sa mga operasyon at maling trato ng kompanya sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Sapino, “Nagsimula noong 2015, dun na namin naramdaman yung sign ng underground blasting nila palapit nang palapit sa ibabaw malapit sa lugar namin, 2016 nagsimula nang mag-crack yung mga bahay, pati eskwelahan lumulubog na.”
Aniya, kinukulang na ang supply ng tubig sa kanilang lugar at yumayanig na rin ang lupa dahil sa ginagawang underground blasting ng kompanya.
“Nangangamba kami baka dumating yung araw na kung mangyayari man di namin alam kung saan at kaninong bahay ang lalamunin ng lupa,” dagdag ni Sapino.
Aniya nag-report na umano sila sa nasabing kompanya ngunit wala pa ring aksyon ang mga ito.
Samantala, isinusulong ng grupo na maisabatas ang Peoples Mining Bill na ngayon ay nasa konseho, ani Sapino.
Ang Peoples Mining Bill ay naglalayong protektahan ang karapatan ng mga minero at isalba ang likas na yaman ng bansa mula sa di makataong pamamaraan at pamamalakad ng mga malalaking kompanya ng minahan. Ma. Carmina Lipio, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

TECHIE TAHO VENDOR

TECHIE TAHO VENDOR

"QR Lang po sa umaga”-Baguio City is the first local government unit to adoptthe program co-developed by the Bangko Sentral ng Pilipinas...

FREE DEWORMING AND VITAMINS

FREE DEWORMING AND VITAMINS

was given to horses at Wright Park and Camp John Hay last September 27 and 29, 2022 as part of our Animal Diseases Prevention and Control...

INSPECTION AND MONITORING

INSPECTION AND MONITORING

Acting City Mayor- Faustino A. Olowan inspects recently City Camp Lagoon ,Lower Rock Quarry September 26,2022 caused by Typhoon Karding...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest