CVAO NAGLUNSAD NG RABIES VACCINATION, DOG REGISTRATION

BAGUIO CITY

Bilang paggunita sa Rabies Awareness Month, naglunsad ng libreng Rabies Vaccination para sa aso’t pusa ang City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) sa Melvin Jones Grand Stand, noong Marso 13. Layunin ng programang ito na mabigyang proteksyon hindi lamang ang mga alagang hayop, pati na rin ang kanilang mga owners, upang maiwasan ang rabies. Sa datos ng ibinahagi ng CVAO, nasa humigit-kumulang 50,000 ang populasyon ng mga aso at pusa sa Baguio City, at noong nakaraang taon, nasa 40,000 na alagang hayop ang nabakunahan.

Bukod sa libreng rabies vaccination, nagkaroon din ng Pet Consultation and Checkups, at Dog Registration sa asong 3 months pataas at ito ay may bayad na P50 per aso kasama na rito ang certificate of registration. “Dog Registration naman meron po tayo sa Office, lifetime po siya. And currently, we are doing sa mga ibang NGOs na hopefully mas mapadali pa natin yong registration and identification ng mga dogs, na puwede rin maipa-register sa
barangay,” pahayag ni Michael Tahinan, CVAO Veterinary II.

Ang Dog Registration ay alinsunod sa Baguio City Ordinance 19, series of 2021 o’ mas kilala bilang “Responsible Dog Ownership Ordinance of Baguio City” na lahat ng pet owners ay dapat na iparehistro sa CVAO ang kanilang mga aso
sa pamamagitan ng pagkakabit ng government-registered dog tags and identification cards. Payo naman ni Amy Tappol, isa sa nagpa-vaccine ng kaniyang alagang aso, “kailangan pavaccinenan nila agad, para kung sakali man
makakagat or makagat siya or sila, magiging safe sila.”

Matapos mabakunahan ang mga alagang hayop ay binigyan ang mga pet owners ng Pet Vaccination Card, Top
Breed Dog Food, Vitamins, at iba pang supplement,upang mas maging malusog ang kanilang mga alaga. Naging matagumpay naman ang nasabing programa at nagpapasalamat ang CVAO sa mga pet owners na nagparegister at nagpabakuna ng kanilang mga alagang hayop.

Almira Mia P. Marasigan/ABN

Amianan Balita Ngayon