DA-CAR hinalang nakuha ng mga baboy-ramo sa Abra ang ASF

LUNGSOD NG BAGUIO – Inamin ng Department of Agriculture (DA) Cordillera n mahirap tuntunin kung paano nahawa ang mga baboy-ramo sa Abra ng African Swine Fever (ASF) na nakaapekto sa ilang barangay ng apat na bayan sa probinsiya.
Marso ngayong taon ay may mga ulat ng impeksiyon ng ASF sa populasyon ng mga baboy-ramo sa Boliney, Daguioman, Tineg at Malibcong. Ang mga lugar na ito ay malapit sa mga hangganan ng Abra, Kalinga at Apayao.
Pinabulaanan ni DA Cordillera director Cameron Odsey ang ilang ulat na mahigit isang daan na baboy-ramo ang naimpkesiyon ng ASF, sinabi niya na hindi sila sigurado sa bilang subalit inamin na talagang mayroong pagkalat ng virus sa mga baboy-ramo.
Nilinaw din niya na ang mga alagang itim na native na baboy ay iba sa mga baboyramo o ilap na mga baboy. Ayon kay Odsey, hinala nila ang ialng dahilan kung paano nahawa ang mga baboyramo sa virus. Posible na, aniya, na nakuha ng mga baboy-ramo ang sakit mula sa mga tiring processed foods na nakakalat sa mga gubat ng Abra.
Ipinaliwanag pa niya na posible na maaaring dala ng mga mangangaso ang mga processed foods at kinain ng mga baboy-ramo ang mga tira ng mga mangangaso.
Sinabi ni Odsey na ang local government units (LGUs) at maging ang pamahalaang panlalawigan ng Abra ng aprktadong mga bayan ay nagsagawa ng mga hakbang upang mapigilan ang lalo pagkalat pa ng ASF.
Sinabi niya na may usapan sa mga magsasaka at mangangaso na huwag iuwi o ibiyahe ang mga karne ng baboy-ramo upang maiwasan ang kontaminasyon ng mga alagang baboy sa kanilang mga komunidad.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon