DA-CAR MARKET LINKAGE CARAVAN NAGBUNGA NG REGULAR NA MERKADO PARA SA MGA KOOPERATIBA

LUNGSOD NG BAGUIO

Nabunga ang market linkage caravan ng Department of Agriculture-Agribusiness Marketing Assistance Division (DA-AMAD) ng mga kontrata para sa direct marketing, sale at delivery ng mga produktong agrikultural sa mga institutional buyer, na nagbibigay daan sa mga magsasaka na mapahusay ang kanilang produksiyon kung kalidad at dami ang pag-uusapan. “Layon ng kaganapan na palakasin ang mga koneksiyon sa pagitan ng mga local producer at mga institutional buyer, na nag-aalok sa mga magsasaka ng direktang access sa mas mabuting mga merkado at mas patas na mga presyo,” ani Aida Pagtan, chief ng Administration and Finance division ng DA-Cordillera
Administrative Region (CAR), sa isang panayam.

Sa mga nalagdaan na mga kasunduan sa kamakailang caravan ay para sa lingguhang delivery ng 3,000 kg. ng iba’t-ibang highland vegetables ng Cada Hill Farmers Agriculture Cooperative sa Mankayan, Benguet, sa Progressive Farmers of Zambales; delivery ng kape ng Tuba, Benguet coffee growers association, sa Progressive Farmers of Zambales din; at ang delivery ng iba’t-ibang highland vegetables sa Sunrise Premier Food Corp. ng Cacadcadaan Multipurpose Cooperative. Samantala, sa ilalim ng negosasyon ay ang 1,500 kg. ng radish sa pagitan ng Cada Hill Farmers Agriculture Cooperative at ng Sangkutsa Food Products Inc. Ang Rice Terraces Farmers Cooperative ay mayroon ding kasalukyang negosasyon para sa delivery ng heirloom rice sa Progressive Farmers of Zambales. “Ito ay umpisa lamang dahil ang ating AMAD ay tuloy-tuloy na nagsasagawa ng mga aktibidad na layong itaguyod ang ating mga magsasaka upang ang mga direct institutional buyer ay maikonekta sa kanila,” ani Pagtan.

Sinabi niya na sa pagkuha ng supply ng mga institutional buyer direkta mula sa mga magsasaka, maaari silang humiling ng kanilang ninanais na kalidad at dami, bukod sa uri ng kalakal. “Nagiging mas importante ang mga kooperatiba dahil ang kanilang mga miyembro ay maaaring tumulong na panatilihin ang kinakailang suplay ng buyer, na regular nilang naaani ang pangangailangan,” sabi niya kaugnay sa konsolidasyon ng mga ani ng maliliit na magsasaka. Sinabi ni Pagtan na sa pag-ani ng mga magsasaka ng mga ninanais na kalidad at dami, maaari nilang diktahan ang mga presyo ng mga kalakal, sinisiguro na ang mga magsasaka ay mayroong merkado para sa kanilang mga rpodukto.

Tinipon ng caravan ang 13 farmer’s cooperative associations (FCAs) kasama ang mga buyer mula sa walong kompanya, kabilang ang Sunrise Premier Food Corp., Leslie Corporation, at H and H Philippine Food and Beverages Corp. Nagsilbi ito bilang isang platform para sa mga magsasaka upang ipakilala ang kanilang heirloom rice, highland vegetables, at produktong kape sa mga potensiyal na partner.
Muling pinatunayan ng caravan ang kahalagahan ng inclusive agricultural development sa pagtulong sa mga magsasaka na makikonekta, makipag-negosasyon, at palaguin ang kanilang mga agribusiness habang sinisiguro na makakakuha ang mga buyer ng mataas-na-kalidad, lokal na pinatubong mga produkto.

(LA-PNA CAR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon