DAAN-DAANG MANILEÑA, NAKAKUHA NG TULONG MULA SA MGA CAYETANO

Tatlong daang kababaihan mula sa Lungsod ng Maynila ang nakatanggap ng tulongpangkabuhayan mula sa mga
tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano nitong linggo. Mga Manileñas mula sa Barangay 484 sa Sampaloc ang natulungan ng mga senador, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program, noong February 20, 2024.

Inihayag ng isa sa mga benepisyaryo na si Abigail Policarpiona na ang tulong na kanyang natanggap ay makakatulong sa pagpapalago ng kanyang negosyong sarisari store. “Kakaalis ko lang po sa trabaho ngayon.. tinuloy ko nalang po ang pag titinda. Ang laki pong tulong y’ung natanggap namin, kasi kahit papaano po pwede po pandagdag sa sari-sari store ko,” ani Policarpio.

Nakipagtulungan ang mga Cayetano kay Barangay 484 Captain Eunice Ann Castro, kasama sina Kagawad Jaymark
Guinto at Kagawad Elmer Dela Cruz, sa pag-abot sa mga benepisyaryo. “Maraming salamat po sa pahandog niyo ng medical at financial assistance sa aming Barangay,” wika ni Castro. Bilang malakas na tagapagtaguyod ng women
empowerment, ang magkapatid na senador ay regular na nagoorganisa ng pamamahagi ng tulong para sa mga kababaihan at kanilang mga pamilya upang matulungan sila sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Noong nakaraang taon, nakapag-abot sila ng tulongpangkabuhayan para sa mga kababaihan na nakatira sa iba’t
ibang lungsod ng National Capital Region upang palakasin ang kanilang estado sa buhay at siguraduhin ang kanilang
maayos na kalagayan.

Amianan Balita Ngayon