Dalawang babaeng estudyante, naipit ng sasakyan

Dalawang estudyante ng University of Baguio ang naipit matapos maatrasan ng Pajero sa harap ng Jollibee Assumption dakong ika-4 ng hapon ng April 6.
Ang pulang pajero na may plakang VER 818 na minamaneho ni Rostafie Bautista Dizon, 40 anyos, residente ng BLK 10 Ironwood Richview Square, Baguio City, ay naatrasan ang itim na Ford na kotse na minamaneho naman ni Cezar Franklin Meria Bayquen, 41anyos at residente ng 50 Purok 1, Loakan Liwanag, Baguio City.
Ayon sa security guard na nakasaksi sa pangyayari, umatras ang Pajero mula sa pinanggalingan nitong parking lot nang tamaan nito ang kaliwang bahagi ng Ford. Sa pagtama nito ay naipit ang dalawang estudyante na kasalukuyan namang naglalakad patungo sa gawi ng Session Road. Napag-alamang buntis pa ang isa sa mga biktima.
Itinakbo naman agad sa Notre Dame Hospital ang dalawang estudyante na kinilalang sina Greta Dolipas at isang kinilala lamang bilang Navarro upang mabigyan agad ng karampatang lunas.
Hindi pa malaman ng awtoridad ang halaga ng pinsala sa pangyayaring ito. MARK BROZULA VILLAFLORES, UB Intern

Amianan Balita Ngayon