LUNGSOD NG BAGUIO – Muling nakalambat ang mga
tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Baguio City Police Office,
ng dalawang drug pusher sa kanilang isinagawang buy-bust
operation sa may Barangay Fairview, Baguio City.
Kinilala ang dalawang nadakip na sina Ivy Katherine Labi
Mislian, 23, online seller/tutor, tubong Mankayan, Benguet; at
Jhunby Sioco Diaz, 36, jobless, tubong Masbate City at kapuwa
nakatira sa Purok 1, Sunny Side, Fairview Barangay, Baguio
City.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay nasakote matapos ang
buy-bust operation sa mismong tinitirhan ng mga suspek noong
Miyerkoles.
Nagbenta ang dalawang suspek sa poseur buyer ng 2.5 na
gramo ng shabu sa halagang P10,000. Tatlong sachet ng shabu
ang nakuha sa mga suspek, kasama ang buy-bust money.
Sina Mislian at Diaz ay sinampahan ng kasong paglabag
sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Zaldy Comanda/ABN
April 6, 2019
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025