DALAWANG KAMPO NG NPA NATUKLASAN SA MT. PROVINCE

Photo Caption: Ang mga iba’t ibang kagamitan ng pinaniniwalaang rebeldeng NPA na narekober ng pulisya sa abandonadong encampment sa Barangay Suquib, Besao, Mountain Province,noong Agosto 16.

RPIO/ABN


 

BONTOC, Mt. Province

Magkahiwalay na nadiskubre ng pinagsanib na tauhan ng Mt. Province Provincial Police sa mga bayan ng Sagada at Besao, noong Agosto 15 at 16 ang dalawang abandonadong kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA). Sa reort ni Col. Silby Dawiguey, Jr., provincial director, ang magkasanib na tauhan ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Intelligence Unit-14 (RIU-14), 143 Special Action Company (SAC), 14 Special Action Battalion (SAB) ng natuklasan
ng PNP Special Action Force (SAF), at ng Naval Intelligence Security Group-North Luzon (NISG NL), habang nagsasagawa ng foot partrol ay nadiskubre ang isang ang kampo sa bulubunduking
bahagi ng Mount Ampucao, Barangay Balugan, Sagada, Mt Province, noong umaga ng Agosto 15.

Narekober ng mga operatiba ang bandila ng Communist Party of the Philippines (CPP); isang
watawat na may marka ng Cordillera People’s Democratic Front (CPDF); isang watawat na may marka ng CPP NDFP; isang watawat na may markang “Bagong Hukbo” (NPA); isang M16 maikling magazine; isang portable na radyo; sari-saring damit; kagamitang pangedukasyon; at mga personal na gamit na pinaniniwalaang pagaari ng mga miyembro ng NPA. Sa kalapit na bayan ng Besao, isa pang abandonadong kampo ng NPA ang natuklasan kinabukasan sa Barangay Suquib, Besao, Mountain Province.

Narekober din ng mga operatiba ang isang watawat na may marka ng CPP NDF; isang watawat na may mga marka ng “SANDATA”; isang watawat na may marka ng “MAKIBAKA”; isang watawat
na may marka ng “Bagong Hukbo” (NPA) “Leonardo Pacsi Command”; isang M16 A1 rifle; isang portable na radyo; limang piraso ng M14 magazine; sarisaring damit; kagamitang pangedukasyon; at mga personal na gamit na pinaniniwalaang pagaari ng mga miyembro ng NPA sa nasabing kampo.

Amianan Balita Ngayon