BAGUIO CITY — Posibleng isara na ang kaso ng pamamaril sa loob ng Philippine Military Academy (PMA), makaraang magkasunod na binawian ng buhay ang dalawang sugatang sundalo na
naganap sa kanilang barracks noong Setyembre 29.
Ayon kay Major Cherryl Tindog,tagapagsalita ng PMA, namatay dakong alas 5:00 ng umaga noong Huwebes,Oktubre 1 si SSgt. Vivencio Raton, ng Philippine Army (PA) habang ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center.
Si A2C Christopher Lim, ng Philippine Airforce, na sinasabing may mental health problem, ay namatay dakong alas 2:25 ng hapon noong Miyerkoles, Setyembre 30, sanhi ng tinamong sugat sa panga,matapos maganap ang insidente.
Ayon sa military report, sina Staff Sgt.Joefrey Turqueza, ng Philippine Airforce at Sgt.Raton ay nasa loob ng kanilang dakong alas 4:35 ng hapon ng Setyembre 29, nang lapitan sila ni Lim at nagkaroon ng mainitang pagtatalo.
Umalis si Lim at binalikan ang dalawa na bitbit ang isang M16 rifle at saka pumasok sa kuwarto ng barracks at pinagbabaril ang dalawang biktima. Namatay on the spot si Turqueza, samantalang ang dalawang sugatan,kabilang si Lim ay isinugod sa PMA Hospital, subalit agad din silang inilipat sa BGHMC.
Ayon sa report, si Lim ay nagbaril sa sarili matapos ang pamamaril sa mga biktima. Ayon kay Tindog, ang buong komunidad ng akademiya ay labis na nagdadalamhati sa pagkamatay ng tatlong enlisted personnel ng PMA at lubos din ang pakikiramay sa pamilya.
“In as much as this incident is an isolated case, the PMA community is doing its very best to ensure that no similar case will happen in the future.,” Tindog added. Ayon kay BCPO City Director Allen Rae Co, magsasagawa pa rin ng imbestigasyon kung kinakailangan, pero mahihirapan na ang ating mga imbestigastor na magawa ito, dahil wala man lang witness na makakapagsabi sa totoong nangyari sa insidente.
“ Iginagalang namin ang imbestigasyon ng PMA bagama’t ito ay nasa kanilang jurisdiction at nagpapasalamat kami sa kanilang kooperasyon sa naganap na insidente. Lubos din ang aming pakikiramay sa mga pamilya at pakikidalamhati sa akademya kaugnay sa naganap na trahedya,” pahayag pa ni Co.
Zaldy Comanda
October 5, 2020
October 5, 2020
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025