DALAWANG WORKER PATAY SA LANDSLIDE SA BANAUE

BANAUE,Ifugao – Dalawang katao ang natabunan ng buhay matapos gumuho ang kanilang bahay na dulot ng landslides noong madaling-araw ng Lunes sa Sitio Talop, Kinakin, Banaue, Ifugao.
Kinilala ni Banaue MPS Chief of Police Michael Dangilan, ang biktimang sina Emiliano H. Lupais, laborer at Ernesto Cirais, alias Kibong, carpenter, at resident ng Sitio Talop, Banaue, Ifugao.
Ayon kay Dangilan, nakatanggap ng tawag ang duty personnel of Banaue MPS dakong ala 1:45 ng umaga noong Lunes mula sa Barangay Chairman ng lugar at ipinaalam na may naganap na landslid sa bahay ni Ernesto Cirais.
Agad nag-responde ang mga tauhan ng Banaue MPS, Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction Management at mga residente para magsagawa ng search and rescue operation at nakuha nila ang mga labi ng biktima dakong alas 2:15 ng umaga.
Ayon kay Dangilan, ang dalawang biktima ay natutulog sa loob ng bahay ng maganap ang trahedya. “Panay ang ulan dito nitong mga nakaraang araw, kaya maaring bumigay yong lupa at alam naman natin ang Banaue ay isang landslide prone area.”
Noong Biyernes, unang landslides ang naiulat matapos gumuho ang isang bahagi ng ongoing rip-rap sa harapan ng Banaue National High School Annex Ground, Barangay Kinakin, Banaue, Ifugao.
Nahulog sa di-kalalimag bangin ang sasakyang Isuzu Crosswind bearing PN XLJ-700 na pagaari ni School Principal Freddieson Bayangan habang nakaparada sa harapan ng paaralan, dakong alas 6:00 ng umaga.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon