LUNGSOD NG BAGUIO – Sampu pa na mga istruktura sa kahabaan ng Naguilian Road at 24 konstruksiyon kabilang ang isang malaking establisimiyento sa Marcos Highway ang gigibain sa nagpapatuloy na paglilinis ng mga daan ng pamahalaang lungsod at Department of Public Work and Highways Baguio City District Engineering Office (DPWH-BCDEO).
Sa kaniyang ulat kay Mayor Benjamin Magalong ay sinabi ni Asst. City Engr. Constancio Imson ng City Engineering Office na ang susunod na demolition operation sa kahabaan ng Naguilian Road ay sa Marso 12-13 habang sa Marcos Highway ay sa Marso 25-26.
Sinabi ni City Administrtaor Bonifacio Dela Peña na nagsumite sa lungsod at kay DPWH-BCDEO District Engr, Rene Zarate si Fernando Tiong, may-ari ng TG Home Builders, isang malaking gusali sa Marcos Highway ng isang demolition plan para sa kaniyang gusali, isang malaking bahagi nito ay maapektuhan ng road clearing.
Sinabi niya na nagboluntaryo si Tiong na alisin ang isang column line ng kaniyang gusali upang masigurong mananatiling mahusay ang natitirang istruktura.
Nauna ng tinanong ni Tiong ang operasyon sa korte at isa siya sa 122 okupante sa Marcos Highway na naantala ang demolisyon matapos magsumite ng mga dokumento o humhiling ng tulong sa hudikatura.
Sinabi n mayor na ang demolisyon ng gusali ni Tiong ay magsisilbing isang “test case” para sa iba pang istruktura na kapareho ang katayuan at patunayan na walang sinisino ang operasyon.
Ang paglilinis sa highway ay nag-umpisa noong Setyembre ng nakaraang taon na target ang 287 istruktura saMarcos Highway at 330 sa Naguilian na lumagpas sa road-right-of-way bilang pagsunod sa kautusan sa anti-road obstruction ng Pangulo.
Susunod ang Kennon Road na tinatayang may 95 istruktura at Loakan Road na may 110 konstruksiyon sa loob ng idineklarang 150-meter buffer zone ng airport.
Ang operasyon ng demolisyon ay magkasamang isinasagawa ng DPWH-BCDEO, ng City Engineering Office sa ilalim ni Engr. Edgar Victorio Olpindo at ng City Buildings and Architecture Office sa ilalim ni Officer-in-Charge Arch. Johnny Degay.
APR-PIO/PMCJr.-ABN
March 3, 2020
March 9, 2020
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025