4,850 cases as of August 15
BAGUIO CITY
Pumalo na sampung katao ang namatay habang patuloy ang pagtaas ng dengue cases mula sa sampung barangay sa siyudad ng Baguio. Sa loob lamang ng 14-days ay umangat sa 4,50 dengue cases, kumpara sa 3,011 na naitala mula Pebrero hanggang Agosto 1, ikinamatay ng pitong katao. Mula sa dengue dashboard ng City Epidemiology and
Surveillance Unit ng City Health Service Office, may kabuuang 2,368 male ang naitalang biktima ng dengue,na ang pinakamari ay mula edad 15 to 19, samantalang 2,482 sa female at pinakamaraming biktima ay edad 20 t0 24.
Ang Barangay Irisan, na pinakamalaking barangay ang may pinakamataas na kaso ng dengue na 650, sinundan ito Bakakeng Central 380; Asin Road-338;Santo Tomas Proper-158; Pacdal-154; Gibraltar-142; Camp7-134; Loakan-121;Bakakeng Norte 116 at Pinget-111. Naitala ang mga kaso mula sa mga government hospital na 54 percent; 27% sa mga private hospital;10.3% sa private laboratory at ang iba ay sa Regional at City Health office.
Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang utos ni Mayor Benjamin Magalong na paigtingin ang pagpapatupad ng anti-dengue ordinance (Ordinance 66-2016) at patawan ng parusa ang mga hindi sumusunod sa dengue control measures. Nanawagan din ang CHSO sa mga residente na mahigpit na ipatupad ang anti dengue measures upang
maiwasan ang pagkalat ng mga kaso na karaniwang nangyayari mula buwan ng Hunyo hanggang Oktubre.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024