Department of Agriculture bubuhayin ang tomato processing plant sa Ilocos Norte

LAOAG, ILOCOS NORTE – Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang isang kabuuang PhP100 million upang muling buhayin ang isang tomato processing plant sa Ilocos Norte.
Kinumpirma ito ni Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc noong Huwebes at ipinahayag niya na ang mga nagtatanim ng mga kamatis kung saan kumukuha ang Northern Foods Corporation (NFC) ng kanilang kamatis ay maaaring magbalik sa pagtatanim sa oras na maupo na ang bagong mamamahala.
“We have the PhP100 million from DA for our tomato processing plant. Hopefully, we can reactivate the NFC the soonest,” ani Manotoc na itinutulak ng kaniyang administrasyon pushes ang product-processing at agribusiness upang makuha ang mas maraming yugto ng value chain.
Ang kamatis ang isa sa high-value crops ng Ilocos Norte na may nakahandang merkado subalit sa pagsasara ng NFC na nasa negosyo ng tomato paste production sa Hilagang Luzon, maraming contract growers ang bumaling sa ibang mga pananim.
Noong Disyembre ng nakaraang taon ay iniutos ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ang pagbuwag sa NFC dahil hindi na raw ito
nakakatugon sa layunin nitong kasuwato ng national development policy, na nagbigay-daan sa pagsasapribado ng kompanya.
Subalit ang gobyerno ng Ilocos Norte, sa pakikipagtulungan sa DA, may palagiang komunikasyon sa mga interesadong mamumuhunan o investors upang muling buhayin ang tomato processing plant sa ilalim ng bagong mamamahala.
Naitatag noong 1984 bilang isang subsidiary ng Livelihood Corp. bago ito mailipat sa DA noong 2000, prinoproseso ng NFC production facility sa paste ang mga sariwang kamatis na mula sa nasa 3,000 magsasaka, sa Ilocos Norte at Ilocos Sur na
may processing capacity na 500 metric tons (MT) ng kamatis bawat araw.
Nagsusuplay ito ng tomato paste sa mga food chains, fish canners, at tomato sauce at catsup manufacturers sa bansa, na binubuo ng 13 porsiyento ng 30,000-MT taunang konsumo ng bansa.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon