DepEd-CAR nakalikom ng PhP985M para sa printing ng Q1 learning modules

LUNGSOD NG BAGUIO – Walong school divisions sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang nakalikom ng PhP985,459,727 na kailangan para sa printing ng first quarter self-learning modules ng mga mag-aaral sa lahat ng antas.
Sa isang ulat ni Dr. Mae Eclar, DepEd-CAR regional director noong Martes, ay sinabi niya na ang mga donasyon ay mula sa provincial at municipal government units, school maintenance at iba pang operating expenses (MOOE), private donors, IPED (Indigenous Peoples) funds, at mula sa central office ng DepEd.
Nag-download ang DepEd central office ng Ph253,102,000 habang ang ambag ng local government units ay umabot sa PhP685,329,804. Ang ibang halaga ay nagmula sa ibang sources. Kailangan ng mga pampublikong paaralan sa probinsiya ng Abra ng PhP60.04 milyon para sa pag-imprenta ng materyales; kailangan ng Apayao ng PhP156.38 milyon; Baguio City, PHP39.77million; Benguet, PHP167.9 million; Ifugao, PHP98.2 million; Kalinga, PHP20 million; Mountain Province, PHP415.2 million; at Tabuk City, PHP28 million.
“Local government units (LGUs) are using their special education fund (SEF) to help our schools. They gave supplies for printing and duplication of the modules,” ani Eclar.
Niliwanag niya na ilang mga pangako ng mga LGU ay hindi pa natatanggap dahil ang kanilang procurement ay sumasailalim pa sa mga proseso ng gobyerno. May 356,913 enrollees ang CAR para sa public schools at lahat sila ay nangangailangan ng learning modules.
Maliban sa bilang, 80.12 porsiyento ng mga mag-aaral ay pinili ang modular printed learning delivery modality; 9.84 porsiyento ang pumili sa blended o modules at online; 5.14 porsiyento para sa paggamit ng modules na may audio o radyo; 8.53 porsiyento ay gusto ang modules na may video o TV supplement, at 1.68 porsiyento lamang ang pumili sa online learning delivery modality. Sa walong school division sa rehiyon, Baguio City, Benguet at abuk City lamang ang mas gusto ang isang blend ng modular, online, video o television, at audio o radio. Ang Abra division ay naghanda para sa modular na may audio o radio bilang complementary.
Naunang sinabi ni Carmel Fidel, chief of curriculumand learningmanagement division ngDepEd- CAR na ang rehiyon ay 76.76 porsiyentong kumpleto na sap ag-imnprenta ng first quarter learning modules ng lahat ng 356,913mag-aaral sa pampublikong paaralan mula kindergarten hanggangGrade 12.
Sa unang araw ng mga klase para sa 2020-2021, lahat ng public schools sa rehiyon ay nakapagimprenta na at tinipon ang lahat ng learning modules para mag-aaral sa public schools na kailangan para sa unang dalawang linggo ng mga klase.
Bago ang pagbubukas ng klase noong Oktubre 5, naunang namahagi ang DepEd-CAR ng learning module para sa Psycho First Aid (PFA) at handa na sa retrieval ngayong linggo. Sa PFA module ay malalaman ng paaralan kung ano ang nangyayari sa bata sa bahay, nabibigyan sila ng pasilip ng psychological state ng mag-aaral.
Gadget hindi required.
Sinabi ni Dr. Benilda Daytaca, division superintendent sa Benguet na ipinaintindi nila sa mga magulang at guardians na ang kanilang mga anak o binabantayan ay hindi na kinakailangan ng gadgets para mag-enroll at ipagpatuloy ang kanilang edukasyon.
“We sought the help of our mayors, barangay officials in informing residents that gadget is no needed,” aniya. Sinabi ni Daytaca na 83,268 enrollees ay mula sa 13 bayan ng probinsiya ay 103 porsiyentong mas mataas kumpara sa nakaraang taong enrolment na 82,246.
“The parents were not afraid to enroll their children because we assured them even without a gadget, they (children) can still study,” aniya. Sinabi niya na karamihan kung hindi man lahat ng mga magulang at guardian’s ng mga estudyante sa probinsiya ay nagpapakita ng kagustuhan na maibalik sa pag-aaral ang kanilang mga anak upang magkaroon ng mas mabuting buhay kapag natapos sila sa pag-aaral.
Sectoral na partnership
Sinabi ni Eclar na angmga pribadong indibiduwal, iba-ibang ahensiya ng gobyerno, at kahit mga magulang at guro ay lubos ang pagkakaisa na makatapos ng edukasyon ang mga bata sa Cordillera. Ang partnerships ay opisyal na sinelyuhan kasama ang Police Regional Office Cordillera upang ihatid ang instructional packets mula sa mga paaralan sa mga bahay at isagawa ang pag-aaral para sa mga pamilya kung saan hindi kayang gabayan ngmgamagulang ang kanilangmga anak. Nasa 210 ang police volunteer para-teachers.
Ihahatid ng Bureau of Fire Protection ang instructional packets, i-disinfect ang mga paaralan at opisina, habang ang 503rd Infantry Brigade ng Army ay tutulong din sa paghahatid ng instructional packets, at tutulong ang Bureau of ail Management and Penology sa pag-aaral ng mga bilanggo.
Nagtayo din ang Parent Teachers Association ng isang “parent academy” upang nagbigay tulong sa mga magulang na nangangailangn ng tulong sa paggabay sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
 

Amianan Balita Ngayon