DEPED-ILOCOS IPINAALALA ANG MGA PATAKARAN SA GRADUATION, MOVING-UP RITES

MALASIQUI, Pangasinan

Inulit ng isang opisyal ng Department of Education (Dep-Ed)-Ilocos Region noong Miyerkoles ang “no collection policy” at hindi iminumungkahi ang pangangailan para sa magagarang kasuotan, mga lugar at selebrasyon sa
graduation at moving-up ceremonies. Sa isang briefing noong Miyerkoles, binigyang-diin ni DepEd-Ilocos Assistant
Regional Director Dr. Rhoda Razon ang pangangailangang sumunod sa DepEd Memorandum No. 23, Series of 2024 para sa mga seremonya na nakatakda sa pagitan ng Mayo 29 hanggang 31 para sa school year 2023-2024.

“Graduation and movingup ceremonies shall be simple but meaningful,” aniya. Para sa kasalukuyang school year, nasa 101,354 Grade 12 na mag-aaral ang nakatakdang magtatapos habang 101,237 Grade 10 na estudyante, 102,572 Grade 6 na estudyante at 83,974 kindergarten ang magiging bahagi ng moving-up ceremony. Sinabi ni Razon na layunin ng polisiya ng DepEd na huwag pahirapan ang mga magulang sa mga karagdagang gastusin, at pinayuhan ang mga opisyal ng paaralan na gamitin ang kanilang maintenance and other operating expenses (MOOE) budget para sa anumang kinakailangang gastusin.

Pinapayuhan din niya ang mga paaralan na isagawa ang kanilang graduation at movingup rites sa indoor venues na may wastong bentilasyon o covered courts sa gitna ng mataas na temperatura na nararanasan sa rehiyon. “Schools should also avoid scheduling during the time of the day when temperatures are at their highest to ensure the
safety and protection of learners, teachers, and attendees,” dagdag niya.

Sinabi ni Dr. Marjorie Pudin ng DepEd-Ilocos na nasa 281 mag-aaral at 94 teaching at nonteaching personnel sa rehiyon ang nakaranas ng heat cramps, 2,711 mag-aaral at 1,088 teaching at non-teaching personnel ang nakaranas ng heat exhaustion, at 1,678 mag-aaral at 297 teaching at non-teaching personnel ang nagkaroon ng mga pantal sa balat sa pagsisimula ng mainit na panahon.

Sinabi ni Pudin na tatlong mag-aaral at anim na teaching at non-teaching personnel ang nakaranas ng heat stroke.
“Ang medical health personnel ay agad na rumesponde sa mga pasyente at binigyan sila ng wastong pangangalagang medikal na kinakailangan upang hindi sila ma-ospital. Gayunpaman, isang guro mula sa La Union, na may comorbidity dahil may hypertensive siya, ang naospital subalit gumaling na ngayon,” ani Dr. Pudin.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon