LUNGSOD NG BAGUIO
Naglatag ang Department of Education-Cordillera (DepEd-CAR) ng mga alternatibong hakbang upang matiyak ang
pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa gitna ng sunud-sunod na suspensiyon ng klase dahil sa tropical
cyclones. Iniulat ng DepEd na para sa kasalukuyang school year, nakapagtala na ang CAR ng 35 class disruptions, ang pinakamataas na bilang ng mga araw ng pasukan na nawala pangunahin dahil sa mga natural na sakuna at kalamidad.
Sinabi ni DepEd-CAR Regional Director Estela Cariño na kinukunsidera nila itong learning loss. “Habang nagi-SLM [self-learning module] sila o gumagawa ng mga lessons mula sa kanilang mga text books, parang hindi namin talaga
naiisip na baguhin ‘yung regular class. We still consider these 35 days as something that will have to be changed,” ani Cariño sa isang panayam. Sinabi niya na kabilang sa mga mungkahi ay ang pagkansela ng paparating na mid-year break at paggamit nito para sa mga make-up classes.
Ang mga klase sa Sabado at pagpapalawig ng oras ng klase ay maaari ding ipatupad. Binanggit ni Cariño na kasama rin ang rehiyon sa pagpapatupad ng Dynamic Learning Program para matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral. Ito ay maaaring ipatupad sa mga paaralan bilang mga make-up class at catch-up session sa mga pansamantalang lugar ng
pag-aaral. Ginagawa ng DepEd ang lahat ng posible upang matugunan ang pagkawala ng pagkatuto, dagdag ni Cariño.
Habang hinihintay ang paglalabas ng bagong DepEd memorandum circular sa mga posibleng pagbabago sa guidelines ng automatic suspension of classes, hiniling ni Cariño sa mga mag-aaral na gamitin ang mga available na
self-learning modules o textbooks na ibinibigay sa kanila para talagang makatulong sa kanilang sarili sa pagharap sa pag-aaral. “Sana, the learners, mag-change naman ang kaisipan sa happiness when there is no class. I-consider naman nila, paano ‘yung ga-graduate sila, kulang ang nalalaman, kawawa sila pagpunta nila sa next grade o pagpunta nila sa college.
Kaya sana, ang isipin nila, kung paano tulungan ang kanilang sarili, kung paano suportahan ang kanilang sarili, at kung paano makikipagtulungan sa kung ano ang gagawin at ginagawa ng Kagawaran,” sabi niya. Nanawagan din siya sa mga magulang na suportahan at tulungan ang kanilang mga anak upang matiyak na sila ay natututo mula sa kanilang self-learning modules at textbooks.
Sa DepEd Order No. 37 s. 2022, nakasaad dito na ang mga in-person, online na klase at trabaho mula Kindergarten hanggang Grade 12 at Alternative Learning System ay awtomatikong kanselahin sa mga paaralang matatagpuan sa mga local government units na inisyung tropical cyclone wind signals 1, 2, 3,4 o 5 ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ang mga klase ay sunud-sunod na sinuspinde sa rehiyon pagkatapos ng sunud-sunod na pag-atake ng mga tropikal na bagyo.
(DEG-PIA CAR/PMCJr.-ABN)
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024