DEPED MAKIKIPAGTULUNGAN SA PAGSISIYASAT SA PAGKA-ARESTO NG GURO DAHIL SA DROGA

MALASIQUI, Pangasinan

Siniguro ng Department of Education (DepEd) Dagupan City Schools Division ang lubos na kooperasyon sa imbestigasyon ng isang guro na inaresto dahil sa sinasabing pagkakasangkot nito sa iligal na droga. “We will cooperate fully with law enforcement as they investigate this incident (Kami ay lubos na makikipagtulungan sa pagpapatupad ng batas habang sinisiyasat nila ang pangyayaring ito,” ani DepEd
Dagupan sa isang pahayag noong Huwebes na idinagdag na ang pagpapayo at suporta ay ibibigay sa mga estudyante at komunidad ng paaralan kasunod ng insidente. Ang division ay nagpahayag ng matinding pagkabahala sa insidente at binigyan-diin ang pangako nito na mapanatili ang pinakamataas na pamantayan ng pag-uugali sa mga tagapagturo.

Nilinaw din nito na ang insidente ay nangyari sa labas ng nasasakupan ng paaralan. “We remain committed to ensuring a safe and nurturing learning environment for our students and will take appropriate steps to address any impacr on our schools (Nananatili kaming nakatuon upang matiyak ang isang ligtas at nagpapalakas na kapaligiran sa pag-aaral para sa aming mga mag-aaral at gagawa ng naaangkop na mga hakbang upang matugunan ang anumang epekto sa aming mga paaralan,”) dagdag nito. Ang 51 taong-gulang na guro ay inaresto noong Abril 8 sa isang search operation sa kaniyang tahanan sa Barangay Pantal. Nasamsam ng mga awtoridad ang halos
PhP1.27 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu at tuyong mga dahoon ng marijuana.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon