Noong 2017 ay pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 28, isang direktibang naglilimita sa paggamit ng mga paputok sa community zones at ipinagbawal ang ilang uri ng mga paputok. Base sa isang listahang inilabas ng Civil Security Group (CSG) ng Philippine National Police, ang mga paputok gaya ng 5-star, piccolo, boga, watusi, pla-pla, giant bawang, at giant whistle bomb ay ipinagbabawal. Ayon sa CSG, ang lahat ng overweight at oversized na mga paputok, o ang mga may mas higit sa 0.2 gramo o mas higit sa 1/3 teaspoon ng
explosive content, at mga paputok na ang mga mitsa ay nasusunog sa mas maigsi sa tatlong segundo o mas matagal sa anim na segundo ay iligal.
Gayundin ang mga may halo ng phosphorous at/o sulfur at ng chlorates ay ipinagbabawal, na sinabing kailangang bumili at gumamit lamang ang publiko ng mga sertipikadong paputok mula sa mga rehistradong retailers at dealers. Ang Republic Act 7183 na linagdaang maging ganap na batas noong 1992 ay nagreregulate sa pagbebenta, distribusyon, paggawa, at paggamit ng mga paputok sa Pilipinas upang isulong ang kaligtasan ng publiko, kaayusan, at pambansang seguridad. Samantala, sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na lahat ng mga paputok, ipinagbabawal man o hindi ay mapanganib, na sa oras na sumabog ang mga ito, ang pinsala na maaaring idulot ng illegal at legal na mga paputok ay pareho lamang.
Noong 2020, sa paliwanag ng DOH, ang ilang pagkakapinsala ay dahil sa mga legal na ibinentang paputok. Mahirap sabihing legal nga subalit nakakapinsala. Sa isang pahayag sa Fireworks-Related Injury Surveillance in the Philippines na inilathala ng World Health Organization, ang pagsindi ng mga illegal na paputok ay sanhi ng 50.2 porsiyento ng mga kapinsalaan noong 2010, 2011, 2012, 2013, at 2014. Ang pinaka-pangkaraniwang lugar ng pinsala ay ang mga kamay (44%), mga paa (21%) at mga mata (14%) kung saan ang mga kalalakihana ng pinakamalimit masugatan (80%) kaysa mga babae. Ang mga illegal na paputok ay iniuugnay sa lahat ng apat na pagkamatay na naidokumento.
Ang bilang ng fireworks related injuries (FWRIs) mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 2, 2025 ay umabot sa 534. Ang kabuuang bilang ay 9.8 na mas mababa kumpara sa 592 FWRIs na naitala mula Disyembre 22, 2023 hanggang Enero 2, 2024. Tatlong daan at dalawamput-dalawang mga kaso ay sangkot ang mga biktimang edad 19 pababa, habang 212 ay 20 anyos at pataas. Apat na raan apatnaput-tatlo ay mga lalaki habang 91 ay mga babae. Ayon sa DOH, ang kwitis ang nangungunang dahilang pinsala ng paputok. Sumunod ang boga, mga di kilalang paputok, five star at whistle bomb. Ang pinaka-pangkaraniwang pinsala sa mga paputok ay sa mga kamay, mga daliri, mga mata, ulo at mukha.
Ilan sa mga pinsalang ito ay malubha, na mapupunta sa permanenting mga problema sa kalusugan gaya ng pagkawala ng mga daliri at binti, pagkabulag, at pinsala sa pandinig. Ilang tao ang namamatay dahil sa kanilang sugat. Nasasaktan ang mga alagang hayop at kaligiran at nagiging sanhi ng mga sunog sa mga bahay at palibot na kalikasan. Ang mga taong nagpapaputok ay hindi abnormal. Sa katunayan ay malaking porsiyento ng mga magulang ang pinapayagan ang kanilang mga anak na maglaro ng mga paputok, na kung ating papansinin na walang damdamin, ang mga taong ito ay nagsasaya lamang gaya ng ginawa ng kanilang mga magulang at marahil pati kanilang mga lolo’t lola na wala ni anumang paltos dito at doon.
Sa katunayan, kung ang tao ay naglalaro ng paputok, ang tsansa ay hindi sila masasaktan, ngunit ito ba ay sulit sa panganib? Para sa halos lahat ng tao ang bawat pagtatapos ng taon ay isang espesyal na okasyon. Para sa ilan, kung tutuusin, pinapahinulutan nila ang mga bata na maglaro ng paputok minsan sa isang taon. Gayunpaman, may ilang mga problema sa ganoong paraan ng pag-iisip. Ang pagpili na tanggapin ang mga panganib at laruin ang mga posibilidad para sa iyong sarili bilang isang may sapat na gulang ay isang bagay. Ang pagpili na ilantad ang mga bata sa mga panganib ay tila naiiba. Ang mga bata ang pinakamahihina sa pinsala dahil sa kanilang laki at malapit sa
pinagmumulan.
Sila ay nasa mas mataas na panganib dahil hindi nila naiintindihan kung ano ang kanilang pinakikitunguhan. Dahil maraming taon pa ang nasa harapan nila, sila rin ang may pinakamaraming mawawala. Kaya ano ang maaari mong gawin upang maging masaya sa pagsapit ng Bagong Taon at magdiwang nang ligtas? Ang pagpunta sa mga pampublikong fireworks display na pinamamahalaan ng mga propesyunal ay ang pinakamahusay na diskarte. Hindi lang mas malaki at mas maliwanag ang mga pagtatanghal na ito, ngunit may mga bayan at lungsod na may mga
ordinansa na hindi nagpapahintulot sa mga tao na bumili o gumamit ng mga paputok.
Nakakalungkot, walang bagay na walang presyo. Ang pagpapabuti ng aking kaligtasan ay nangangahulugan na hindi ko makikita ang maraming kulay na sumasabog sa hangin. Bagamat kahanga-hanga at kaakit-akit iyon, magiging maayos ako kahit wala ito dahil hindi sulit ang panganib. Umaasa kami na balang araw ay magkakaroon tayo ng mga pagdiriwang na walang pagliyab tulad ng pagkakaroon ng mga lugar na walang naninigarilyo.
January 4, 2025
January 12, 2025
January 4, 2025
December 28, 2024
December 22, 2024
December 14, 2024