DIARRHEA OUTBREAK SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Tumaas pa sa 2,764 ang bilang ng mga pasyenteng apektado ng acute gastroenteritis, batay sa selfreporting system ng City Health Services Office noong umaga ng Enero 12. Sa ipinalabas na Food and Water-Related Illness Self Reporting Dashboard ng City Health Services Office, sa
nasabing bilang ay 38.1 percent ang kalalakihan at 61.9 percent ang kababaihan,samantalang 34.9 percent ang nanatiling may sintomas at 65.1 ang recovered.

Ang insidente ay nagsimula noong Disyembre 2 hanggang Enero 10 at 609 ang nagpa-konsulta sa hospital. Ang biglaang pagtaas ng kaso ay mula Enero 2 hanggang Enero 8. Naitala din sa insidente ang edad ng mga biktima mula 0 hanggang 60 pataas, na ang pinakamaraming naapektuhan ay edad 20 hanggang 34. Sa datos, 294 ang biktima mula outside ng Baguio, 204 mula sa BLISTT (Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-TubaTublay) at iba pang bilang ay mula sa 128 Barangay sa
lungsod.

Lumitaw na ang possible source na nakuha ng mga pasyente ang diarhhea ay ang pagkain sa food establishments (62.4%) take-out food (13.3%); home food (12.2% at iba pa (12.1%). Samantala, mahigpit ang babala ni Mayor Benjamin Magalong laban sa negosyanteng nagsasamantala na magbenta ng mataas na presyo ng bottled water sa kasagsagan ng outbreak. Ayon kay Magalong,
inaasahan na matatapos ang insidenteng sa lalong madaling panahon at inaantay na lamang ang mga resulta ng water sample na pinagkunan sa mga identified establishments,deepwell at
households.

Noong Martes, Enero 10, pormal na idineklara ni Mayor Benjamin Magalong ang ‘outbreak’ sa lungsod, matapos ang biglaang pagtaas ng kaso mula 350 hanggang 1,609 acute gastroenteritis incidents. Inamin din ni Mayor Benjamin Magalong na maging siya at ilang miyembro ng pamilya ay biktima ng insidente. “nangyari ito na may dinaluhan kaming isang party at ako ay uminom ng juice, kaya yong mga uminom ng juice ay tinamaan din.”

Ayon kay Magalong, inaasahan na matatapos ang insidenteng sa lalong madaling panahon sa mga hakbang sa kaligtasan at pag-iwas na pinagtibay ng mga establisyimento ng pagkain at sa mga kabahayan sa lungsod. Aniya 45 pasyente na naadmit sa hospital as of 10 p.m. noong Enero 10, 2024, ay 45 walang malubhang impeksyon. Ipinangako din ni Magalong sa 14 na turista na apektado ng acute gastroenteritis at na-confine sa hospital na bibigyan ng free medical treatment.

Ayon kay Magalong, patuloy ding sinusubaybayan ang pagsusuri sa mga sample ng tubig mula sa mga pinaghihinalaang pinanggagalingan nito. Aniya, ang kabuuang sample ng tubig na isinumite ay 28, 16 dito ay may resulta at 12 ang naghihintay ng resulta. Lahat ng 16 ay negatibo sa thermotolerant coliform organism at isasailalim sa viral testing sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Sinabi ni City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes na batay sa mga ulat na
natanggap, karamihan sa mga kaso ay nangyari mula Enero 2 hanggang 8.

Pinayuhan din ang mga turista at mga residente na umiwas muna na uminom na galing sa gripo.”Hangga’t hindi natin nako-contain ang virus na ito ay mananatili ang outbreak,upang maging maingat ang bawat-isa sa kanikanilang kalusugan. Ang health authorities ay walang tigil sa
imbestigasyon at pagsusuri para malaman ang sanhi at pinagmulan nito,” pahayag ni Magalong.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon