DICT naglagay ng libreng Wi-Fi na magpapalakas ng vaccination info drive sa COVID-19

LUNGSOD NG BAGUIO – Upang masiguro na lubos na mabigyan-kaalaman ang mga tao tungkol sa COVID- 19 vaccination program ay naglagay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng isang Sistema na magbibigay ng libreng Wi-Fi (wireless fidelity) sa mga residente ng bayan ng Mankayan sa Benguet.
Sinabi ni Mankayan Mayor Frensel Ayong noong Miyerkoles (Hunyo 30) na ang proyekto ay magkasamang gawa ng DICT, ng Mankayan local government unit (LGU), at Lepanto Consolidated Mining Company (LCMC) na magbibigay ng connectivity sa primary vaccination site na naitatatag sa bayan.
“It is a DICT-initiated project with our collaboration in support of the health services,” ani Ayong. Sinabi niya na ang inilagay ng DICT ang equipment na magbibigay ng 16 Mbps (megabits per second) internet signal sa Carlos Palanca Jr. (CPJ) center.
Sinabi ni Ayong na ang CPJ center ay ginagamit bilang isang vaccination center. Malapit ito sa ospital ng Lepanto at sa Lepanto
Elementary School at Lepanto High School.
Sinabi niya ng magbibigay at sasagutin ng LCMC ang makokonsumo na elektrisidad sa center, na siyang bahagi nito sa kasunduan. Sinabi ng Mayor na isa pang gadget ang inilagay sa sentro ng bayan na nagbibigay ng connectivity sa Rural Health Unit (RHU) kung saan nagkukumpulan ang mga tao upang magkaroon ng libreng access sa Wi-Fi.
Ayon pa kay Ayong ang programa ay orihinal na para sa CPJ center lamang ngunit hiniling nila na maglagay din ng libreng Wi-Fi sa sentro ng bayan.
Ayon sa DICT, ang libreng free Wi-Fi connection ay hindi lamang sa panahon ng vaccination program.
“Forever na dun (it will be there for good). DICT said it is direct to the satellite without being dependent on the towers of PLDT, Globe, and Ditto Telecom,” ani mayor.
Sa pagkakaroon ng internet connection, sinabi niya na kailangan ding mag-subscribe ang mga establisimiyento sa StaySafe para sa mas madaling contact tracing. Sinabi pa ng Mayor na hihilingin din ng pamahalaang bayan kay Caretaker Congressman Eric Yap na tumulong magkaroon din ng connectivity sa ibang mga lugar sa bayan sa pamamagitan ng free internet service program ng gobyerno.
Ang bayan ng Mankayan ay apat-na-oeas na biyahe mula sa kapitolyong bayan na La Trinidad. Narito rin ang kompanya ng pagmimina ng ginto na Lepanto.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon