Alergic ang mamamayan sa diktadurya. Lalo na kung malaking pondo ng bayan ang nababalahura,
gaya ng pinapaimbistigahang P118M patrabaho ng DPWHCordillera Administrative Region (DPWH-CAR) malapit sa pamosong Lion’s head sa Kennon Road. Walang naisagawang konsultasyon umano sa pamahalaang lokal ng Baguio City o kahit man lang sa barangay na nakakasakop sa patrabaho at lalo na sa mga maaring maapektuhan ng proyekto.
Kulang na kulang ang kaalaman ng syudad ng Baguio gaya ng detalye, sinong nagpapagawa, para
saan ang proyekto at sino magbebenepisyo sa naturang P118M patrabaho. Kagyat umanong
malaman ng taumbayan, sa ngalan ng transparency at accountability, ang ukol sa multi-milyong proyekto, lalo na sa punto ng kaligtasan ng publiko.
Nararapat lamang na masigurado sa publiko ang katatagan ng proyekto at naipaloob ito sa material quality tests pati backfill upang maisigurado ang kaligtasan ng patrabaho, lalo na at dinadayo ng napakaraming tao ang paligid ng Lions Head, ani Baguio City Administrator Engr. Bonifacio dela Pena. Obserbasyon pa ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, naibaling na sa “shotcreting” mula sa simpleng “rocknetting” ang patrabaho, bagay na sana ay masusing suriin upang isigurado ang kaligtasan ng mamamayan.
Kung isailalim ang proyekto sa masinop na pagsusuri ng mga third party experts, hindi ng mga sinumang magsasagawa ng pagsusuring maaring maimpluwensiyahan ng pwersa o salapi, at aprubahan ang kaligtasan ng patrabaho, walang dudang tatahimik ang mga kritiko. Hiling ng mamamayan, iwaksi ng DPWH, lalo na ng DPWH-CAR, ang diktaduryang pamamaraan sa mga patrabaho ng gobyerno dahil pondo ng mamamayan ang ginagamit sa mga ito.
Nagsusumamo din ang mamamayan na maging bukas ang DPWH sa kritisismo dahil hindi ito pangingi-alam kundi pagpapakita ng mamamayan ng buhay na kahulugan ng pagtangan sa karapatangpantao at demokrasya.
December 16, 2023
December 16, 2023
March 15, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025