BAGUIO CITY
Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Strategic Plan 2023–2028, ipang mas maging epektibong
tugunan ang kasalukuyang hamon ng mga lokal na pamahalaan. Ang planong ito ay nagsisilbing gabay para sa mga LGU upang mapabuti ang kanilang serbisyo sa gitna ng mga isyu tulad ng climate change, digitalization, at kapayapaan. Layunin ng plano na palakasin ang LGUs bilang katuwang sa pambansang kaunlaran. Batay ito sa datos mula sa mga audit tulad ng Seal of Good Local Governance (SGLG), feedback mula sa komunidad, at policy reviews.
Kasama sa mga pangunahing programa ang Support to Barangay Development, Newly Elected Officials Program, at mga proyektong nakatuon sa disaster preparedness at participatory governance. Tinitiyak ng DILG na ang mga programa ay hindi lamang mananatili sa papel sa pamamagitan ng localization, performance monitoring, at needs-based capacity development. Mahalaga rin ang papel ng private sector at civil society sa pagpapatupad ng mga solusyon sa lokal na antas, kaya’t pinapalakas ang mga lokal na konseho na may
partisipasyon ng iba’t ibang sektor. Sa 2028, layunin ng DILG na makakita ng mga LGU na mabilis tumugon, may tiwala ng mamamayan, at may sistema ng mahusay at makataong pamamahala—isang pamahalaang hindi lamang epektibo sa ulat kundi ramdam sa bawat komunidad.
Reanne Columbres/UC-Intern
June 14, 2025