Tinalo ni re-elected Benguet Rep. Eric Go Yap ang kanyang katunggaling pulitikong gumamit ng “dirty tricks” dahil hindi umubra ito.
Ibinulgar noong Biyernes, May 16, 2025 ang nalinlang na pumirma ng reklamo kontra kay Rep. Yap uko sa residency ng mambababatas na gawa-gawa lamang ang reklamo. Nasagkaan ang proclamation ni Rep. Yap sa pagkapanalo nito bilang Kongresista ngunit inamin ng
nalinlang na nagreklamo na bukod sa malaking salaping ibinayad sa kanya’y, pinaniwala pa siyang magkakaroon umano ng POGO sa Benguet kapag maihahalal muli ang mambabatas.
Nagulat na lamang ang nalinlang na nagreklamo nang makitang hindi prinoklama ng Benguet Board of Canvassers si Rep. Yap noong Martes ng gabi sa kabila ng landslide nitong panalo kontra sa katunggali. Huminigi na ang nagreklamo ng patawad kay Rep. Yap at ipinaliwanag sa mambabatas na binayaran lamang siya bilang “dirty tricks” ng katunggali sa pagka-kongresista. Ngunit hindi bago ang
kawalang-hiyaan sa pamamagitan ng “dirty tricks” kontra kay Rep. Yap. Una nang napawalang-bisa ang kandidatura ng ka-apilyido ni
Rep. Yap, na sadyang binayaran din ng katunggali upang maghain ng COC. Nabulgar na nabayaran din upang mag-file ng COC upang
mangbalahura ang kandidatura ng re-elected Benguet congressman.
Mayroon karagdagang naghain pa ng reklamo kontra sa proclamation ni Rep. Yap upang pabigatin pa kontra proklamasyon niya. Bagamat bigo at mabibigo ang mga “dirty tricks” na ito upang ibaling ang mandato ni Rep. Yap mula sa mga botante. Kampante ang muling nahalal na mambabatas na ang masa ng Benguet ay kakampi niya dahil nakita ng mga taga Benguet ang taus-pusong paglilingkod sa kanila, mula sa kasulok-sulukang pamayanan hanggang sa sentrong-bayan ng probinsya. Bumalandra sa maduming pulitikong katunggali ni Rep.
Yap ang maruming pamamaraan ng pangangampanya.
Bukod pa’y may record na itong kawalang-hiyaan dahil sa pagkasangkot ng kanyang construction firm sa mga bidding at panalo sa
infrastructure projects sa probinsya ng Apayao dahil sa impluwensiya nito bilang mataas na opisyal. Ang karimarimarim pa’y, mismong kumpanya rin ng pulitiko ang sangkot sa makapaminsala sa katutubong taga Benguet na tatlong hydroelectric power plants sa Eddet River sa Kabayan, Benguet. Sobrang binalahura at kasalukuyang nililito ng natalong kandidato ang katalinuhan ng mga botante ng Benguet. Napatunayan sa nakaraang halalan ang resulta ng kanyang maruming pangangampanya.
May 25, 2025
May 25, 2025
May 25, 2025
May 25, 2025
May 25, 2025
May 25, 2025