Discount naghihintay sa mga maagang magbayad ng real tax

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang 20 porsiyento ang agad na maibibigay sa mga maagang magbabayad ng kanilang real property tax na inuutos sa ilalim ng Chapter 13 of the City Tax Ordinance No. 2000-001.
Kamakailan ay nag-isyu si City Treasurer Alex B. Cabarrubias ng isang advisory na nagpapaalaala sa mga real property owner sa Baguio na bayaran ang 2 percent basic real property tax (RPT) at karagdagang 1 percent Special Education Fund (SEF) sa lungsod para sa taong 2022.
Kapuwa ang basic RPT at additional SEF tax ay dapat na mabayaran nang sabay, ani Cabarrubias.
Ipinaliwanag niya na kung ang current real property tax at additional levy para sa SEF ay mabayaran ng buo para sa buong taon bago ang Enero 2022, ang taxpayer ay magkakaroon ng advanced payment discount na 20 percent.
Kung mabayaran ng buo sa pagitan ng Enero at katapusan ng Marso, sampung porsiyentong discount ang ihahandog base sa ordinansa. Samantala ang real property tax na nabayaran sa isang quarterly scheme ay mabibigyan ng ten percent discount sa halaga ng buwis na dapat bayaran ang maibibigay kung mababayaran ng buo sa loob ng quarter.
Ang iskedyul ng quarterky payments na walang interes o multa, sa opsiyon ng taxpayer, ay ang sumusunod:
1st Installment – on or before March 31, 2022
2nd Installment – on or before June 30, 2022
3rd Installment – on or before September 30, 2022; and
4th Installment – on or before December 31, 2022
Ipinaalala ni Cabarubbias na ang hindi pagbayad sa basic real property tax at additional SEF tax sa o bago ang petsa na tinukoy sa itaas ay magbabayad ang taxpayer ng interest sa rate ng dalawang porsiyento bawat buwan o bahagi (fraction) ng hindi nabayarang halaga, hanggang ang delinquent tax ay mabayaran ng buo, gayunman, sa anumang kalagayan na ang kabuuang interest sa hindi nabayarang buwis o bahagi nito ay lalagpas ng 36 buwan o 72 percent.
Hinihiling sa mga property owner na bayaran ang kanilanf mga buwis sa Office of the City Treasurer, Baguio City.
Maaari ding bayaran ito sa pamamagitan ng pagdeposito ng eksaktong halaga at ipadala ang deposit slip sa email sa address na: [email protected], sa: Land Bank of the Philippines na may Account Name: City Treasurer, Baguio o City Government of Baguio gamit ang Account Number: 0222-0015-95.
Para sa mga katanungan, tumawag sa: (074) 442-8900.
(JMS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon