Ang mga kinatawan ng DMMMSU Northern Chorus, na naguwi ng ginto mula sa Vietnam International Choir Competition na naganap kamakailan sa Vietnam.
(DMMMSU Photo)
BACNOTAN, La Union
Nagkamit ng dalawang gintong medalya ang Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) Northern Chorus sa 8th
Vietnam International Choir Competition na ginanap sa H?i An City, noong Abril 19. Tinalo nila ang 19 na grupo mula sa ibang bansa sa
kategoryang Folklore at Youth Choir of Mixed Voices, na nagpakitang-gilas sa teknikal na husay at makulay na interpretasyon ng kanilang
piyesa. Ayon kay Prof. Danreve Gamboa, conductor ng Northern Chorus, “Mixed emotions talaga-takot, saya at lungkot. Of course, takot na kung saan marami kang kailangang iconsider. Yung funding, yung mga singers, mga commitment nila.”
Ibinahagi rin ni Oliver, isa sa mga miyembro ng grupo, ang kanyang kaba: “Nakaka-pressure kasi yong six months is not enough for an international competition.” Dagdag pa ni Gamboa, “Kasi kapag sumali ka talaga ng international competition, minimum yon eh, minimum na training o kaya workshop or rehearsal talaga 6 months. Kasi naniniwala kami sa kasabihan, if you fail to prepare, prepare to fail.” Isa sa mga hamon ng grupo ay ang pagsasanay ng mga miyembro, lalo na ang pagbabalanse ng pag-aaral at pagkanta. “Minsan hindi kami
kumpleto kaya dun din talaga ako na-stress din eh, at saka yung disiplina na kung saan at kung anong oras talaga yung call time,” ayon kay Gamboa.
Naging balakid din sa kanila Xang pagbabayad para sa lisensya at permiso sa kakantahin nilang piyesa, ngunit naging madali ito dahil
miyembro rin ng DMMMSU ang orihinal na lumikha ng “Salidumay” na si Dr. Bien Venido. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, nasungkit nila ang gold medal at nakapag-uwi ng tropeo mula sa prestihiyosong kumpetisyon. “Pinagdarasal din namin na makapag-uwi kami ng gold
diploma at yun na nga, nasagot na rin ang panalangin namin makapag-uwi ng gold diploma,” pahayag ni Oliver. Ang kanilang tagumpay ay binigyang-pagkilala ng unibersidad, at nakatakda pa silang sumali sa iba pang internasyonal na kompetisyon, patuloy na dala ang dangal ng musikang Pilipino.
Jon Lloyd Yogyog/UB-Intern
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025