DOH palalakasin ang programa sa pagbabakuna sa CAR

LUNGSOD NG BAGUIO – Para sa layunin ng Department of Health na lalong palakasin ang programa sa pagbabakuna sa Cordillera ay tinipon nito ang key stakeholders para sa isang regional project implementation review para sa “Oplan Culex” at ang “Baby Come Back to Bakuna” campaign sa Chalet Hotel nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni DOH Center for Health and Development Cordillera OIC regional director Amelita Pangilinan na ang programa ng gobyerno sa pagbabakuna ay dumaan sa matinding hamon dahil sa kontrobersoya ng Dengvaxia (anti-Dengue vaccine) na nagdulot ng takot sa mga magulang at guardians na payagan ang kanilang mga anak na mabakunahan.

Ginawa pa rin ng departamento ang lahat upang isulong ang programa at marating ang mas maraming benepisaryo lalo na sa first quarter ng taon kung saan ang tigdas ay umakyat sa antas na nakakaalarma, ayon sa kaniya.

Ipinakita ng DOH sa mga kalahok ang overview at final accomplishment report sa dalawang programa sa pagbabakuna gayundin ang joint memorandum of agreement sa pagitan ng DOH at Department of Education sa School Based Immunization (SBI).

Inilunsad ng DOH ang “Oplan Culex”, isang certified immunization program ng World Health Organization na kasabay ng malawakang antimeasles campaign ngayong taon upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataang Pilipino mula sa mapanganib at nakamamatay subalit maaaring mapigilan ng bakuna na sakit na Japanese Encephalities (JE) virus.

Sa Cordillera ay may 25 kaso ng JE ang naitala ng DOH noong 2018, kapansin-pnasin na pagtaas kumara sa pitong kaso noong 2017.

Ang proyekto ng DOH na “Baby Come Back to Bakuna” ay nag-ugat sa nakakaalarmang pagtaas ng mga kaso ng tigdas mula 65 kaso (walang namatay) na naitala noong 2018, ay tumaas ito sa 812 kaso na may tatlong pagkamatay sa loob ng unang semester ng taong ito.

Ang tigdas at JE ay dalawa sa vaccine preventable diseases sa ilalim ng DOH Expanded Immunization program kung saan nagbibigay ang departamento ng kalusugan ng libreng bakuna sa pamaamgitan ng iba’t-ibang ospital ng gobyerno, barangay health stations at community health centers agyundin ang SBI sa pakikipagtulungan ng DepEd.

Sumailalim din ang mga health stakeholders mula Cordillera regional line agencies at local government units sa isang planning workshop para sa paglikha ng implementation plans, identification of issues and concerns na kailangang tugunan, solicit recommendations and for a sharing of best practices on immunization – related programs and services.

Inulit ni Pangilinan ang panawagan ng DOH para sa suporta ng publiko at health stakeholders sa pagpapahusay ng sakop ng pagbabakuna ng mga bata hanggang sa barangay sa Cordillera.

“..We want a healthier Cordillera. We want to prevent these dreadful diseases through a well researched PH intervention that is cost effective which is vaccination or immunization,” aniya.

JDP/CCD-PIA-CAR/ABN

Amianan Balita Ngayon