DOT may plano para pasiglahin ang ‘farm tourism’ sa Cordillera

Feb 4, 2019

Lumilikom ngayon ang Department of Tourism (DOT)-Cordillera ng mga inputs mula sa mga magsasaka para makumpleto ang strategic farm tourism development plan nito at masiguro ang sustainable program para sa konseptong ito.
“The strategic farm tourism development plan will serve as a guide and will address the issues of our farmers on how to sustain their activity and economic venture,” ani Jovita Ganongan, officer-in-charge ng DOT-Cordillera.
Sinabi niya na ang farm tourism ay isang bagong konsepto na nakikita nilang isang positibong economic activity karagdagan sa umiiral na pagsasaka sa rehiyon.
Ang kahulugan ng farm tourism ayon sa batas ay ang paggawa ng makakaakit sa mga bisita at turista sa mga lugar ng sakahan para sa isang “fun experiential learning” sa produksiyon at pag-ani. Kasama dito ang anumang operasyon o aktibidad ukol sa agrikultura o pangingisda na magdadala sa mga bisita, turista, magsasaka at mangingisda na sama-samang mamahagi ng kaalaman. Isa rin itong lugar para sa outdoor recreation at family outings.
Sinabi ni Ganongan na may ilan na ang nag-umpisang sumubok sa farm tourism subalit may mga hamon na hinaharap.
May mga kakaibang isyu ang mga sakahan at magsasaka sa Cordillera na naapektuhan ng ilang kadahilanan na may kaugnayan sa lokasyon, topograpiya, at maging ang kaugalian. Ang farm tourism development plan ay inaasahang tugunan ang mga isyu at hamong kinakaharap ng mga magsasaka.
“The crafting of this plan will address what is lacking, and what needs to be improved,” aniya.
Dagdag pa ni Ganongan na sa strategic action planning workshop na isinagawa ng DOT ay napag-alaman na ang kakulangan ng capital at teknikal na kaalaman sa marketing strategies ay ilan sa mga isyu na hinaharap ng mga magsasaka.
Ang mga isyung ito ay tinutugunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasanay para mabigyan ang stakeholders ng angkop na kaalaman at kasanayan para kumita ang kanilang farm tourism.
Sinabi ni Ganongan sa isinusulong ng DOT ang farm tourism para mabigyan ang mga magsasaka ng mas maraming benepisyo gaya ng mas mataas na kita, libreng edukasyon para sa kanila at pamilya nila at tunay na seguridad sa pagkain para sa buong bansa.
Bilang paraan sa pagtulong sa maliliit na magsasaka na sumubok na sa farm tourism ay sinabi ni Ganongan na nagsasagawa sila ng “bench marking” at dinadala ang mga may-ari sa kasalukuyang pinapatakbong farm tourism para mag-obserba.
“We will also provide capacity building training for them, not only to the farmers but also to their employees like how to tour and entertain guests, have customer service and housekeeping skills,” aniya.
Ayon pa kay Ganongan na habang ang konsepto ay bago pa lamang ay nabigyan ng akredistasyon ang dalawang farm tourism sites na nakasunod sa panuntunan – ang Cosmic Farm sa Benguet at ang Layug Farm sa Mountain Province at may 10 karagdagang farm tourism sites sa rehiyon ang tinitingnan nila para sa accreditation.
“If they are accredited, we can recommend their area as a tourist destination,” aniya.
Ipinakilala na ng DOT-CAR sa mga highland farmers ang konsepto ng farm tourism na isinalarawan bilang “fun farm tourism”.
Sinabi niya, “fun farm tourism is an activity that allows tourists to have an experiential activity on a farm, allowing them to learn from the orientation and with the economic returns, encourages farmers to venture into an activity of more than just producing agricultural products, but also sharing the experience of production.”
Ayon pa kay Ganongan na plano nilang ikabit ang mga flower gardens sa Atok, Benguet sa vegetable farms sa ibang bayan para mabigyan ng mas mabuting karanasan para sa mga turista na magiging itinerary ng mga bisitang pumupunta sa rehiyon.
“It’s a matter of strategies to market what we have in the Cordilleras. We are working with the different tour operators since we are planning to link some of the tourism sites such as the flower garden in Atok with the farm sites that we have in Benguet and Mountain Province,” ani Ganongan.
PMGeminiano, PNA/PMCJ/ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest