MANGALDAN , Pangasinan – Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang unang phase ng kalsada patungo sa isang eco-tourism park sa distritong ito. Hinaharap ang Angalacan River sa bayan ng Mangaldan, ang 900-metrong konkretong kalsada ay may isang river protection system na binubuo ng anim-na-metrong haba ng parapet walls at 200-metrong flood control system na binubo ng anim-na-metrong haba ng per sheet pile project na pinalawig hanggang Barangay Embarcadero hanggang Barangay Nibaliw sa baying ito.
Sinabi ni District Engineer Editha Manuel ng Pangasinan 2nd District Engineering Office na ang kalsada at eco-tourism project ay hindi lamang magsisilbi bilang isang access route patungo sa parke na dinedebelop bilang isang tourist destination kundi kalauna’y maghahatid sa pagunlad ng komunidad sa pagbibigay ng alternatibong pagkukunan ng ikabubuhay at benepisyo sa ekonomiya sa mga Mangaldanian lalo na sa mga Barangay Embarcadero, Nibaliw, Tebag at Salaan.
“The 44.8-million project is not only built to have an accessible means to the developing tourist spot but will also aid in controlling the entry of flood water in the locality. Residents along the road were provided with driveways and intersecting roads adjacent to the road project,” ani Manuel sa isang report na ipinadala sa Philippine Information Agency.
Sinabi ni Manuel na ang Phase II ng proyekto ay mag-uumpisa na may 1,195 metro na konkretong kalsada na may stone masonry at parapet wall at isang 6.10 metro na lapad ng road carriageway.
Samantala, sa isang panayam ay sinabi ni Municipal Administrator Fernando Cabrera ng lokal na gobyerno ng Mangaldan na ang LGU ay pinag-aaralan kasama ang mga personnel ng DPWH sa pinal na konsepto ng eco-tourism project na magbibigay benepisyo sa mga Mangaldanian at mga karatig bayan.
“Generally, the project is developed to be a tourism road and utmost consideration must be given to the environmental protection aspect and the security details which is why careful conceptualization is really necessary,” ani Cabrera.
Maliban sa flood control, ang eco-tourism project ay ipagmamalaki ang sports tourism biking, hiking area, floating restaurant at solar lightings, sa oras na maisapinal ito at maaprubahan.
VHS-PIA Pang./PMCJr.-AB
April 11, 2021
May 3, 2025
May 3, 2025